Chapter 29

60.9K 2.3K 1.5K
                                    

Hunt



Naramdaman ko ang panghihina ng aking mga tuhod habang naglalakad ako palabas ng office niya. Maging ang panginginig ng aking kamay na may hawak na folder ay ganoon din. Hindi ko napigilang hindi maging emosyonal dahil sa pinuntahan ng pag-uusap naming 'yon ni Hunter.

Sinigurado kong naka-lock ang pinto ng office ko bago ako dumiretso sa aking table, doon ay hindi ko na napigilang manghina. Bumuhos na din ang aking mga luha.

Anong karapatan niyang alukin ako ng tulong ngayong ayos na ang lahat? Ang tulong na kailangan ko mula sa kanya ay matagal ng nabaon sa limot.

Kung kinailangan ko man ng tulong niya ay 'yon ang mga panahong nagmamaka-awa ako sa Diyos para ibalik si Hermes sa amin. Na kung baka tinanggap niya kagaad ay hindi 'to nawala sa akin. Baka alam ng baby ko na ayaw sa kanya ng Daddy nila kaya naman umalis na lang siya.

Muli akong kinain ng lungkot habang inaalala si Hermes. Nag-alok ng tulong si Hunter kung kailan hindi na namin siya kailangan. Sa kanya na lang ang tulong na 'yon, hinding hindi na ulit kami hihingi ng tulong sa kanya.

"Engr. Salvador."

Nag-angat ako ng tingin nang kumatok siya sa pintuan ng office ko. Na-ikuyom ko ang aking kamao. Sumama ang tingin ko sa pintuan kahit alam kong hindi naman siya makakapasok dahil sa pagkaka-lock ng pintuan ko.

Ilang katok pa ang ginawa niya, hanggang sa huminahon 'yon.

"Ahtisia..." tawag niya mula sa likod ng pintuan.

Mas lalo akong napapikit ng mariin ng maramdaman ko kung gaano ka-mahinahon ang boses niya ng banggitin niya ang pangalan ko.

Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay kaya naman narinig ko ang pakikipag-usap niya mula sa labas.

"Umuwi na ba si Engr. Ahtisia?" tanong niya sa kung sino sa labas.

Hindi ko narinig ang sagot ng kausap niya kaya naman napa-irap na lang ako sa may pintuan. Mula sa uwang sa ilalim ng pinto ay nakita kong nawala ang anino niya.

Pinawi ko ang luha sa aking mga mata. Pinakalma ko ang aking sarili bago ako tumayo at inayos ang mga gamit ko para maka-uwi na. Balak kong dumaan muna kay Hermes bago ako dumiretso pa-uwi.

Tahimik at wala ng kata-tao sa second floor nang bumaba ako. Nag-aagaw na din ang liwanag at dilim. Diretso ang lakad ko papunta sa parking space.

"Ano pang ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko sa kanya nang makita ko siyang lumabas sa kanyang sasakyan.

Kagaya ko ay wala ding emosyon ang mukha niya, diretso ang tingin at lakad niya papunta sa akin kaya naman halos mag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko, imbes na dumiretso sa aking sasakyan ay napahinto pa tuloy ako.

"What's with you, huh?" tanong niya.

Nilabanan ko ang talim ng tingin niya. Hindi ako papayag na magpakain nanaman ako sa emosyon ko lalo na't nasa harapan ko siya.

"I don't know what you're talking about Engr. Jimenez," patay malisya na sabi ko.

Napangisi siya. "You sound too formal this time, huh," mapanuyang sabi niya sa akin.

Nagtaas din ako ng kilay. Pagak akong natawa.

"Na-hurt ba ego mo kasi sinabihan kitang go to hell? My goodness, that's just an expression...para lang 'yang gago ka sa tagalog," nakangising sabi ko sa kanya kaya naman lalong nalukot ang kanyang mukha.

Umigting ang panga ni Hunter. Hindi niya malaman kung lalapit siya sa akin o ano.

"May sasabihin ka pa ba?" tanong ko.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon