Chapter 39

72.8K 2.5K 1.2K
                                    

Gone








Sa ilang beses na itinataboy ko si Hunter ay nagawa pa niyang manghila sa may elevator. Kinakausap at hinahawakan niya ako na para bang ayos kami, kahit hindi naman. May mga oras na gusto ko siyang makita...dahil nakikita ko sa kanya si Hermes. Pero may mga oras din na nagagalit ako sa sarili ko dahil sa kabila ng lahat ay hinahayaan kong makalapit siya sa akin...sa amin ni Hartemis.

Kung ako lang ay hindi na sana ako papayag. Matagal ko nang ibinaon sa limot ang kung ano man ang namagitan sa amin ni Hunter noon. Pero hindi pwede dahil kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, siya ang Daddy ni Hartemis. At hindi ko pwedeng alisin ang karapatan ng baby ko na makilala ang totoong Daddy niya.

Kung ano man ang magiging desisyon ko sa mga susunod na araw, ang lahat ng 'yon ay para kay Hartemis at Hermes lang. Kaya kong magtiis, kalimutan ang pride ko, ang galit ko...para sa mga baby ko.

"What happened to your face?" malambing ngunit nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Ate Ahtisia, panay kamot niyan e...ayan tuloy nagasgasan ang noo," sumbong sa akin ni Dawn habang nakatingin siya kay Hartemis.

Natawa ako nang makita kong nakikinig ang baby ko sa kanya. Matapos kasing magsumbong ni Dawn ay nag-ingay siya na para bang ipinaglalaban niya ang side niya.

"Oh, tingnan mo oh...sasagot pa," natatawang sita sa kanya ni Dawn.

Masaya ako na mahal nina Kuya Wil at mga anak niya ang baby ko. Kampante ako na kahit nasa trabaho ay alam kong nasa mabuting kalagayan si Hartemis.

"Sabihan mo ako pag kailangan mo ng magbayad ng tuition, o kung may mga kailangan ka sa school," paalala ko kay Dawn.

"Naku, Ate Ahtisia...wala na po. Sobra sobra na nga po yung ibinigay niyo sa akin pang-online class," sagot niya sa akin.

Pagka-alis ni Dawn ay naglock na din kami ng pinto. Hindi ko alam kung bakit ilang beses pa akong dumungaw sa labas.

May inaasahan ka bang susulpot diyan, Ahtisia?

Bumalik ako sa kama at mabilis na kinarga si Hartemis. Pinatayo ko siya paharap sa akin para magsumbong.

"Dito...hinawakan niya ako dito," sumbong ko sa baby ko. Itinuro ko sa kanya kung paano at sa kung saan ako hinawakan ni Hunter.

"Galit kaya si Mommy..." nakangusong kwento ko kay Hartemis.

Habang nagsusumbong ako ay nakikinig talaga siya sa akin. Nakikipagsabayan ng ingay, kung nakakapagsalita lang ang baby ko ay baka sobrang daldal din nito.

Hindi nagtagal at kaagad ko din siyang pinanggigilan. Hinalikan ko siya sa pisngi niya, sobrang lambot. Ang bango din niya dahil sa baby powder na inilagay ko sa kanya...ganoon na talaga ata ang mga baby. Natural na sa kanila ang amoy na ganoon...yung manggigigil ka.

Tumili lalo si Hartemis nang ilapag ko siya sa kama bago ako dumapa para mahalikan ko din siya sa dibdib at tiyan niya. Mabilis na yumakap ang maliliit niyang kamay sa ulo ko.

"Oh, wala ata kayong bantay ngayon," pun ani Kuya Wil kinaumagahan pagkalabas namin ng apartment.

Walang Hunter na nagpakita sa amin. Samantalang kahapon ay nagtanong pa siya kung anong gusto naming dinner. Gusto ko sanang kabahan nang ma-isip kong baka kung anong nangyari sa kanya. Pero si Hunter siya...sinungaling.

"Mas mabuti na nga po 'yon. Ayaw din naman namin siya dito," sagot ko kay Kuya Wil.

Nag-taas siya ng kilay sa akin na para bang gusto niyang sabihin na hindi siya naniniwala kaya naman tumulis ang nguso ko.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon