Cold
Wala kaming sinayang na oras ni Hunter. Matapos naming marinig ang balita ay umalis na kaagad kami. Ni hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos. Kinuha ko kaagad si Hartemis, naging mabilis din ang kilos ni Hunter. Kahit hindi kami nag-usap ay alam na kaagad niya kung anong gusto kong mangyari.
Iyak ako ng iyak habang nasa byahe, binalot ako ng takot sa kung anong pwedeng mangyari sa Mommy ko. Tahimik lang si Hartemis na nakatingin sa akin, nakakandong siya paharap sa akin, nakatingala at kanina pa nakatingin.
Ayoko sanang ipakita sa kanya ang pag-iyak ko, pero hindi na talaga ako makapag-isip ng maayos. Para bang ano mang oras ay lalabas ang puso ko sa dibdib ko, para bang masisiraan ako ng bait, parang hihiwalay ang kaluluwa sa katawan ko.
"Shh...it's ok, it's ok," pag-aalo ko kay Hartemis.
Nakita niyang umiiyak ako kaya naman umiyak din siya. Itinago ko ang mukha niya sa dibdib ko at niyakap siya ng mahigpit, marahan kong hinaplos ang likod niya habang sabay kaming umiiyak. Baka nararamdaman niya ang tungkol sa lola niya.
"Baby..." malambing na tawag ni Hunter sa anak namin.
Ramdam kong gusto niyang huminto para aluin ito, pero alam din naman niyang nagmamadali na kami. Mahina at maliliit na hikbi ang sinagot ni Hartemis sa Daddy niya.
"Baby..." tawag ulit ni Hunter, pero ngayon ay hinanap niya na ang kamay ko para hawakan 'to.
"Nandito ako, magiging ok lang ang Mommy mo," pag-aalo din niya sa akin.
Hindi ako nakasagot, hindi na talaga ako makapag-isip pa ng maayos. Gusto ko na lang makarating kaagad sa hospital. Tumawag si Daddy sa akin, on the way na din siya. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko...atleast nandyan siya, may karamay kami.
Narinig ko ang mahinang mura ni Hunter pagkarating namin sa Hospital, nilingon ko kung anong tinitingnan niya, nagtagal ang tingin ko sa dami ng reporter at mga pulis sa labas ng hospital.
"Nasa loob na ba ang Daddy mo?"
Marahan akong umiling, humigpit ang yakap ko kay Hartemis. Kung dadaan kami doon ay baka masaktan ang baby ko.
"Wait, I'll call for help," paalam sana ni Hunter sa akin, pero masyado na akong desperado na makapasok sa loob.
Ma-ingat kong inilipat sa kanya si Hartemis, nakita ko ang pagtataka sa mukha niya, ni hindi na nga niya natuloy pa ang pagtawag dahil sa ginawa ko.
"Ako na muna ang papasok sa loob, sa 'yo muna si Hartemis," sabi ko sa kanya.
"No. hindi ako papayag...hindi ka dadaan sa mga 'yan," galit na sabi niya sa akin.
Marahan akong umiling, muling tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata.
"Please, Hunter. Kailangan ako ng Mommy ko," pakiusap ko sa kanya.
Umigting ang panga niya, kinuha niya si Hartemis sa akin. Pagkatapos 'yon ay may kinuha siyang itim na jacket sa may backseat at inabot sa akin.
"Wear this," abot niya, pagkatapos ay may inabot ding itim na Adidas baseball cap.
Hindi ko alam kung saan pa siya nakakuha ng isa pang jacket na sinuot niya para matakpan niya din si Hartemis. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng baby ko dahil sa pinaggagagawa sa amin ng Daddy niya.
Sabay kaming bumaba na dalawa, mahigpit ang hawak ni Hunter sa akin habang palapit kami sa entrance ng hospital. Hindi pa kami napansin ng mga reporter nung una, hanggang sa may nagturo sa amin kaya naman halos manginig ako sa takot ng makita ko ang kumpol na pagtakbo nila palapit sa amin.
BINABASA MO ANG
A Dream that never came (Sequel #4)
RomanceI was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest.