Chapter 49

61.6K 2.1K 806
                                    

Suspect








Natahimik kaming lahat dahil sa pag-iisip. Nagtagal ang tingin ko sa papel na ipinakita ni Castellana, matapos doon ay nilingon ko si Hunter, lahat kami ay nag-iisip tungkol dito, pero nakita kong mas malalim na ata ang narating niya. May kakaiba sa kanyang pananahimik.

Gustuhin ko man siyang punahin dahil sa naging reaksyon niya ay hindi ko magawa, mas nakuntento akong tingnan siya, na para bang gusto kong tulungan siya kung ano man ang konklusyon na nabubuo sa kanyang isipan.

"May kilala ba kayo? May na-iisip na pwedeng gumawa nito?" tanong ni Castellana sa amin.

Mas lalo akong namangha sa mga tanong at sinasabi niya. Si Tadeo ang sundalo, pero iba din ang dating nito. Kaunti na lang ay maniniwala na ako sa sinasabi nilang dati daw itong rebelde at secret agent pa. Wala kasi sa kanyang itsura, mukha siyang inosente at hindi makabasag pinggan.

Muli kong nilingon si Hunter, may kung ano talaga akong nararamdaman sa pananahimik niya. Ilang saglit lang matapos ko siyang lingonin ay tumingin din siya sa akin. Bahagyang tumaas ang kilay ko, gusto kong malaman kung ano yung kanina pa niyang iniisip.

"M-may naisip ka na?" tanong ko. Nagdalawang isip pa, hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa din alam kung tama 'tong set up naming dalawa. Naguguluhan na din ako.

Pinayagan ko siyang maging ama kay Hartemis at Hermes, at maging kaibigan ko. May mga bagay at limitasyon sa pagiging magkaibigan.

Dahan dahang nawala ang pagkaka-kunot ng noo ni Hunter, hanggang sa pumungay ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran, marahang hinaplos ako doon.

"Wala...wala pa," sagot niya sa akin.

Bahagyang tumulis ang nguso ko, hindi naman pwedeng pilitin ko siyang mag-isip, o magbigay kaagad ng sagot sa akin. Gusto ko lang malaman kung ano yung tumatakbo sa isip niya kanina. Mas pinili kong manahimik nang maalala ko ang peklat sa kanyang ulo.

Hindi pwedeng ma-pwersa 'yon, lalo na sa mga nangyayari nitong nagdaang araw, halos araw-araw din kung sumakit ang ulo niya, kahit hindi niya sabihin ay napapansin ko naman.

"Wag kayong mag-alala, tutulong kami." Si Castellana.

Nakita ko ang sunod-sunod na pagtango ni Amaryllis habang magkatinginan ang dalawa. Lumipat ang tingin ko sa nakabusangot na si Piero, hindi pa din 'to maka-move on dahil daw sa pagistorbo sa tulog niya.

"Mission," pahabol niya kaya naman napamura si Piero, at napapikit ng mariin na lamang si Tadeo.

Hindi ko alam kung anong klaseng mission ang sinasabi nila, pero imbes na kabahan ay natuwa pa ang mga 'to.

"Kasama na si Ahtisia, madami tayong recruit," sabi ni Amaryllis.

"Amputa...anong balak niyo? Gagawa ba kayo ng organization?" galit na tanong ni Piero sa mga 'to pero wala namang pumansin sa tanong at galit niya.

Tumango si Castellana sa sinabi ni Amaryllis bago niya ako nilingon.

"Tuturuan pa siya. Mukhang mabait, e..." sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Uhm...hindi ako mabait," pagtanggi ko.

Sa lahat ng nangyari, sa mga ginawa ko. Pakiramdam ko ay hindi ako dapat na tawaging ganoon. Sa lahat ng galit sa akin, sa mga nag-iisip ng masama tungkol sa akin...unti-unti kong natanggap nab aka nga...hindi naman ako mabait, hindi ako yung Ahtisia na akala ng lahat dahil lang sa maamo kong mukha.

I won't claim any title. Hindi naman na ako naghahangad pa na magbago ang tingin sa aking ng iba. Wala naman akong gustong patunayan...at dapat patunayan sa mga taong sarado na ang utak sa possibilidad ng pagbabago ng isang tao.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon