Life and Death
Hindi ko magawang harapin si Ericatrina, naiintindihan ko kasi kung saan siya nanggagaling. Kahit ako din naman ay hindi pa din makapaniwala sa mga nangyayari, hindi ko pa din lubos ma-isip na may possibilidad na si Mr. West Vergara ang tunay kong ama.
Ang bigat ng nararamdaman ko ay na-iibsan dahil na din sa ginawang paghawak ni Hunter sa kamay ko. Gusto kong tanggalin 'yon, pero hindi ko mapagkakailang kailangan ko 'yon ngayon, kailangan ko ng kasama...kailangan ko siya ngayon.
Ilang beses kong napansin ang paglingon-lingon niya sa akin, pero nanatili akong sa pagkakayuko ko. Kung minsan ay sumisimsim sa aking inumin para naman hindi mahalata ang bigla kong pananahimik.
"I really hate people with hidden agenda," sumunod na sinabi niya sa amin.
Napakagat na ako sa aking pang-ibabang labi. Bigla kong tinanong ang sarili ko, may hidden agenda ba ako? Hidden agenda ba kung tatawagin ang kagustuhan kong makilala ang sarili ko? kung kagustuhan kong makilala ang totoo kong ama?
"How can you say that they have hidden agenda?" seryosong tanong ni Hunter sa kanya.
Dahil sa ginawa niyang 'yon ay napa-sulyap ako kay Ericatrina, matamis ang ngiti niya kay Hunter, pero hindi nagtagal ay muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin.
"They lie. Mabait sa harapan ko...pero hindi ko alam na palihim na kumikilos sa likuran ko. I've been a victim of those kind of people. I showed them kindness, understanding, acceptance...tapos may gusto pala kuhanin sa akin? Manloloko pala..." paliwanag niya ng may diin sa mga huling salita.
"Too early to judge," ma-iksi pero makahulugang sabi ni Hunter sa kanya.
Narinig ko ang pag ngisi ni Ericatrina bago siya sumimsim sa kanyang kape.
"Uhm...defensive," parinig niya kay Hunter.
Wala na akong ma-intindihan. Pakiramdam ko ay pareho silang may alam sa nangyayari sa akin ngayon.
Narinig ko ang pagtikhim ni Hunter. Hanggang sa magulat ako ng itaas niya ang kamay ko, hanggang sa maramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa likod ng aking palad.
Napaawang ang bibig ko, may kung ano akong naramdaman dahil sa ginawa niya. Kilig? Hindi. Ayoko mang sabihin pero nakaramdaman ako ng sekyuridad, muli kong naramdaman yung pakiramdam noong mga panahong siya lang ang meron ako, siya lang ang inaasahan ko.
May kung ano sa loob kong gustong magtiwala ulit sa kanya. Pero mas nangingibabaw ang takot. Pinaramdam niya na sa akin ito noon, ginawa na niya ito noon...pero wala naman akong ibang napala kundi sakit.
"Oh, you two..." puna ni Ericatrina sa amin.
Muntik ko nang makalimutan na nasa harapan namin siya.
"We have a twin."
Mas lalong nabalot ng kung ano ang puso ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Halo halo na ang emosyong nararamdaman ko, pero mas nangingibabaw ang saya para sa mga baby ko.
Para kay Hartemis at kay Hermes. Narinig mo 'yon Hermes? He finally recognized you as his son.
Hindi din nagtagal ang pag-uusap naming 'yon dahil may kailangan pang puntahan si Ericatrina. She's planning to invest in a certain business at may meeting siya kasama ang may-ari nito.
"Sovannah Ivy Aves...daughter of the famous Attorney. I like her...she seems real," sabi pa ni Ericatrina sa amin.
Nanatili ang tingin ko sa kanya, siya naman ngayon ang nag-iwas ng tingin sa akin. Kung mapatunayan na si Mr. West Vergara ang totoo kong ama...at Ate ko siya, sana naman hindi siya dumagdag sa listahan ng mga may ayaw sa akin.
BINABASA MO ANG
A Dream that never came (Sequel #4)
RomanceI was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest.