Migoy.
Since wala kaming gig ngayon ng mga pare koy ko, libre ako today. Pero hindi ko inaasahan na makita si Sherrizza sa mall kaya ito na ang pagkakataon kong ayain syang magdate. Himala hindi nya kasama si Geraldine, buti na lang masosolo ko sya. Swerte ko naman.
Sinundan ko muna xa kung saan ang punta nya, naging stalker lang ang drama ko. Sa supermarket pala ang punta nya. Naaliw akong panuorin sya. Hahaha. Kada lipat nya sa ibang section sumusunod lang ako. Hanggang sa gulatin ko na lang xa sa section ng mga toiletries at magpanggap na promo dizer. Baliw baliwan din pag may time.
"Mam try nyo po tong bago naming tissue. Malambot at swak na swak sa budget.." sabi ko sa harap nya habang busy xa sa pagtingin ng ibang tissue. Kaya mukhang nagulat xa nung makitang ako ang may hawak ng tissueng sinasabi ko.
"Mi-Migoy? Promo dizer ka na? Aba rumaraket ka na din ngayon? Hahaha. Eh modess naman yang hawak mo. Kelan pa naging tissue ang napkin? Baliw ka talaga.." nakatawang sabi nito sakin.
"Ayyy, mali palang nadampot ko. Hahaha. Hindi ahh, pakulo ko lang yun. Nakita kasi kitang papunta dito kaya sinundan kita. Bat ikaw lang magisa? Asan ang kakambal mo?.." nagpapacute kong sabi habang nakapamulsa at binitawan na ang modess na hawak ko kanina. Nagkamali pala ko ng dampot. Suri tao lang.
"Ahhh. Baliw ka talaga. Si Geraldine, ayun busy sa pagpapaganda ng new condo nya.."
"I see. Wow, bigatin ah. May condo na pala xa.."
"O-Oo, katapat pa nga ng condo ni Jo-Jommack. Small world noh?.." nagiwas ng tinging sabi nito.
"Naks, oo nga naman. Small world, nga pala Sherrizza may pupuntahan ka pa after this?.."
"Wala naman. Bakit?.."
"Ayain sana kitang magcoffee or kumain sa labas.."
"Ha? Ahh, busog pa ko ih.."
"Kahit magcoffee na lang?.." sabi ko pa. Wrong timing ata ako.
"Naku tinigilan ko na ang pag inom ng kape eh.."
"Pizza for snack kaya?.." offer ko pa ulit. Sherrizza naman. Hayy.
"Diet ako ih pasensya na.." nakangiwing sabi naman nito.
"Iniiwasan mo ba ko Sherrizza?.." atubiling tanong ko.
"Ha? Hindi noh. Ba-Bakit naman kita iiwasan? Nagkataon lang siguro. Ikaw talaga.." katwiran naman nito.
"Eh bakit ayaw mong sumama sakin?.."
"Fine, sige magcoffee na lang tayo.." pagpayag na din nito. Buti na lang.
"That's my girl.."
Sabay na naglakad na kami papunta sa Starbucks kung saan una kaming nagkita ni Sherrizza. Yung araw na nalove at first sight ako sa kanya nung nagtatalo kami sa upuan. Hahaha. Funny. Nangingiting pinagbuksan ko xa ng pinto.
"Ito ang pinaka paborito kong spot. Tanda mo pa ba yung pinag awayan natin to?.." sabi ko at ipinaghila xa ng upuan. Syempre gentleman dapat. Dagdag pogi points.
"A-Ahh oo nga. Bakit ko naman malilimutan yun? Eh nung isang araw lang yun diba? Wala pa kong amnesia noh.."
"Sabi ko nga. Anong flavor ng coffee mo?.."
"Mocha na lang.."
"Okay one mocha coming up. Wait me here okay?.."
"Okay.."
Habang bumibili ng coffee, kita ko si Sherrizza sa malayo na parang malalim ang iniisip. Although maganda xa halata namang may pinagdadaanan. Ano kayang problema nya? Para kasing hindi xa yung Sherrizzang nakilala ko noon. Yung masayahin at puno ng mga punch lines. Parang aloof at malungkot xa ngayon. Hayy. Wrong timing ata ako? Nang matapos mabayadan ang coffee namin, lumakad na ko papunta sa table namin. Nakaupo na ko at lahat, natawag ko na xa ng tatlong beses pero tulala pa din? May pinagdadaanan nga.
![](https://img.wattpad.com/cover/10045005-288-k836998.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Banyo
RomanceRelationship is not about having sex, but being a human tends to be curious about it.