Sherrizza.
Ngiting ngiti akong pumasok sa loob ng bahay namin. This day is so wonderful. Close na kami ng lalaking palaging nagpapakaba sakin at nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Parehas pala kaming weird ni Jommack. Hahaha. Tama nga xa looks can be deceiving.
Akala mo seryosong tao yun pala may weird side din xa. Hindi ko alam kung bakit ko naopen sa kanya yung tungkol sa past ko. Ni kay Geraldine na close friend ko eh hindi ko masabi sabi yun. Parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Ang saya saya ko nung kasama ko sya.
Pakiramdam ko tuloy mahal ko na xa. Aarte pa ba ko? Mukhang tama yung nabasang article ni Geraldine na facts about love. Mr. Kupido finally hits me. Its my first time. First time na magmahal. In 26 years na nabuhay ako, ngayon ko lang toh naramdaman sa buhay ko.
Masaya, palaging nakangiti, inspired, lumulutang sa ulap at para akong nasa wonderland. Sana lang naman ligawan nya ko. Maghihintay ako sa araw na yun. I'm so excited na. Nabungaran ako ni mama habang nagtitimpla ko ng gatas ko. Mukhang kakailanganin ko tong gatas para makatulog ako. Kasi I'm so sure na baka mahirapan akong makatulog kakaisip kay Jommack Alonzo.
"Oh anak bat hindi ka pa nagpapalit ng damit pambahay? At teka mukhang masaya ang dalaga ko ah? Blooming ka ata ngayon anak?.." sabi ni mama sakin.
"Ahh magpapalit na nga rin ho ako pagkatimpla ko nitong gatas ko. Masaya ma? Lagi naman ho akong masaya. Blooming agad ma? Kayo talaga.." nakangiti kong sabi habang hinahalo ang gatas na tinimpla ko.
"Hindi nga anak, blooming ka. Inlove? Kay makulit na Jefferson ba? Well I might say bagay kayo anak. Okay xa sakin.." sabi naman nito.
"Bagay agad ma? Kayo talaga. Pero ma, hindi xa eh.."
"Anong hindi xa? You mean may iba pa anak? Naks naman. Then who's the lucky guy?.."
"Hindi nyo po xa kilala ma. Ewan ko ba, may nanliligaw naman sakin pero xa ang gusto ko eh. Hindi pa din ho xa nanliligaw. Pero masaya ho ako pag kasama ko xa.."
"Ganun ba? Basta ang payo ko lang sayo anak, wag munang magtitiwala agad ha? Kilalanin mo muna xa. Kung pupwede eh dalhin mo dito ng makaliskisan ko muna.."
"Ngee. Ma naman, hindi naman ho isda si Jommack. Tao ho xa. Hahaha.." natatawa kong sabi sabay inom sa gatas na hawak ko.
"Anak naman, ang slow mo. Hindi mo nakuha ang logic? Syempre I want to know him more. Mom's knows best diba?.." katwiran naman nito. Slow talaga? Mana nga ako kay mama.
"Mama naman eh. Tawagin ba kong slow. Hahaha. I love you ma. Sige update kita pag nanligaw na xa sakin.."
"Okay. Pero nak paano naman si Jefferson at itong si Migoy na sabi mo eh nanliligaw sayo? Kawawa naman ang mga yun? So basted na sila?.."
"Yun na nga ho ang pinoproblema ko. Sobrang bait ni Jefferson para paasahin ko pa xa. Ayoko xang sagutin dahil lang napipilitan ako. Tapos ito naman hong si Migoy makulit, sabi ko nga po sa kanya eh wag ng pumunta dito pero mapilit eh. Tsaka ma, si Jommack po ay kaibigang matalik ni Migoy kaya gusto ko xang iwasan. Ayoko hong masisira ang pagkakaibigan nila ng dahil sakin. Hayyy. Sumasakit ang ulo ko ma.." reklamo ko habang napakamot sa ulo ko.
Biglang may nagdoorbell sa labas. Lalabas sana ko pero sabi ni mama sya na lang daw ang magbubukas ng gate. Nagtataka nga ako dahil wala naman akong expected na bisita. Maliban na lang kung si Geraldine yun.
"Ahh A-Anak ang dami mong bisita. Lumabas ka rito.." sabi ni mama. Ha? Madaming bisita? Sino naman kaya ang mga yun?
Nagulat ako pag labas ko na nakaupo na sina Migoy at Jefferson at ang mga magagarbo nilang mga red roses at white roses. May kasama pang chocolates na heart shape pa, at naglalakihang mga teddy bear na violet. Ano ba yan? Sakit sa ulo pala ang kagandahan noh? Sana pala nagnerdy na lang ulit ako. Hayy. Paano ko sila haharapin sa paraang hindi ako maaawkward? Goshhyy. Idagdag pa si Geraldine na nakaupo sa kabilang upuan at matamang nakatingin sakin. Kailangan ko ng biogesic. Build up mode din pag may time. Ano ba yan nakakapagjoke pa ko eh may problema pa kong dapat ayusin. Where do I start?
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Banyo
RomanceRelationship is not about having sex, but being a human tends to be curious about it.