Chapter 7: Rude to Good

3.9K 46 0
                                    

Jefferson.

Mashadong maganda ang araw na to for me. Bakit nga ba sa limang taon na pagiging employee ni Sheza dito eh ngayon ko lang xa napansin? What's wrong with my eyes? Kailangan pa pala nyang baguhin ang anyo nya just to caught my attention?

Infairness to her, she's really beautiful inside and out. Bulag na nga lang ang lalaking hindi makakaagaw ng pansin sa kagandahan nya. Five long long years Jefferson

Hernandez. Kung noon mo pa xa napansin di sana girlfriend mo na xa ngayon? Wow taas ng confidence ko. Haha. I promise myself from this day, hindi na ko magiging rude sa mga employees ko. Nakakapagod din palang maging suplado. Sa tagal ng panahon ngayon ko lang to narealized? Since kahapon nung nakita ko si Sherrizza. Ang bagong Sherrizza.

I need to do something. I want to know her better, lahat lahat sa kanya. Stupid me, ngayon ko lang to naisip? God. Anyways, nagsisimula ang lahat sa date diba? Tama. A surprise date para mas maganda. A special date na hindi nya malilimutan. Matagal na panahon na din naman akong walang inatupag kung di palaguin ko ang negosyong ito na pinamana sakin ng yumao kong ama.

Siguro its about time na lovelife ko naman ang ayusin ko. Inspired na inasikaso ko ang mga paperworks ko para magawa ko na ang plano kong date kay Sherrizza. Nang matapos ang sandamukal kong paperworks na pinirmahan, inayos ko na ang gamit ko at papalabas na ng office ng makita ko mula sa labas na nakasubsob si Sherrizza sa table nya kaya nagmamadaling lumapit ako sa cubicle nya.

Para akong nabatubalani sa nakitang ayos niya. Hayy. She looks like an angel na himbing na himbing na natutulog. May ilang pirasong buhok nya ang tumabing sa mukha niya. Dahan dahan ko namang hinawi yun.

Then out of the blue, lumalapit na pala yung mukha ko to? To kiss her? Medyo nakaawang kasi yun labi nya kaya I can't fight the urge not to kiss her. Hahalikan ko na sana sya kung hindi sya naghatching. Panira.

"Accchiinnggggggggg.." malakas na hatching ni Sherrizza dahilan para magulat ako.

"I-I w-was about t-to to ki- wake you up, kaya lang heto humatching ka. Hahaha.." alibi na sabi ko habang nagpupunas ng tumalsik nyang mga laway sa mukha ko. First time ko, promise.

"N-Naku sorry p-po S-Sir. Nakatu-tulog na pala ko.." nagmamadaling pinatay nito ang computer sabay lumapit sakin at pinunasan ang laway na tumalsik.

"Okay lang. Tara na, hatid na kita medyo gabi na din.." alok ko sa kanya. Pabor pa sakin.

"Wag na po Sir Jeff. Okay na ko, magcocommute na lang ho ako.." tanggi naman nito.

"I insists Sherrizza.." sabay kuha ko sa bag nya at hinila ang kamay nya para hindi na xa makatanggi pa.

"P-Pero Sir wag na po. Kakahiya.." sabi pa nito.

"Sus, mahihiya ka pa sakin? Okay lang yan. Tara na.."

"O-Okay.."

"Sige pasok ka na.." sabi ko sabay bukas ng pinto ng kotse ko.

Pumasok na din ako at inistart ang makina. Nakikiayon talaga ang tadhana. Buti na lang napareserve ko na yung restaurant. Everything's set for my surprise date para kay Sherrizza. Buti na lang din nakatulog siya. Nakafocus na ko sa pagdadrive papunta sa restaurant ng magsalita siya.

"Sir Jeff m-mali ho ata ang d-daan. Hindi po dito ang daan pauwe samin.." apila nya habang nakatingin sa bintana ng kotse.

Tumahimik na lang ako habang nangingiti sabay nagfocus ulit sa pagdadrive.

"S-Sir wag p-po.." natetense na sabi ulit ni Sherrizza. Hahaha. Nakakatawa yung itshura nya. Akala nya siguro rarapin ko xa. She is really something.

Ang Lalaki sa BanyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon