Chapter 5: Change for the Better

5.1K 54 0
                                    

Gerald.

*Tok tok tok tok tok*

Bumukas ang pinto.

"Ano ba yan friendship, hindi ka pa nakakabihis? Bilisan mo na ha at madami pa tayong gagawen.."

"Oho senorita. Saglit lang. Naghahanap pa ko ng damit na isusuot. Hinahanap ko pa nga din yung eye glasses ko.." sabi ni Sheza na akala mo pasan ang mundo. Hahaha.

"Sus, wag ka ng mag eye glass. Dapat ngayon pa lang pinapractice mo na, para hindi ka mailang mamya pag rumampa ka sa cat walk.."

"Eh hindi ko nga makita eh. Tsaka teh, medyo lumalabo ang mata ko kapag hindi ako nakasalamin noh. Nakarampa nga ako, pilay naman ang labas ko. Nakakahiya kung mangapa ako ng daan diba?.."

"Sissums, anliit ng problema pinapalaki mo. Edi maglens ka. Hayy matandang dalaga lang ang peg mo? Don't tell me, wala kang lens?.."

"Wala nga. Never naman akong nakiuso, besides gastos lang yun noh.."

"Hayy ano ba yan sissums. Hindi naman pakikiuso ang pagbili ng mga bagay na nakakatulong sayo. Halika nga at lalagyan na kita ng lens, bigay ko na sayo. May grado kasi to. Tsaka tatlo naman tong akin, pangrampa ko lang areng suot ko ngayon.."

"Naku, wag na. Hindi ako sanay maglagay nyan. Mabulag pa ko noh"

"Sira, mabubulag ka lang pag hindi mo hinubad sa gabi. Tuturuan na din kita para marunong ka ng

maglagay pag wala ako.."

"Hindi nga ako sanay maglagay nyan. Tsaka masakit pa ata.."

"Sasakit talaga yang mata mo pag nag inarte ka pa dyan. Halika na nga, tanghali na oh.."

"Fiinnee. Taray mo bakla ha?.."

"Open wide your eyes girl. Wag kang pipikit ha?.."

"Ganito ba? Baka masakit yan?.."

"Hindi nga. Kulet mo teh.."

"Arayyy. Naiiyak naman ako. Sakit naman ehh. Wag na lang.."

"Kukutusan na kita dyan. Parang sex lang yan, sa una lang masakit pero pag nagtagal na okay na.." Tinamaan naman ako dun.

"A-Ano? p-pati s-sex nadamay? Ikaw talaga.."

"Oh bakit nagbabuckle ka magsalita? Sex lang nasabi ko, nautal ka na. Xa dali na, yung isa na lang. Bilis makinig ka nga kasi.."

"Wala noh. Ilagay mo na yang isa. Ano bang kulay nyan?.."

"Ash gray bakla. Ganda noh? Ikaw kaya maglagay para matesting mo kung marunong ka na.."

"Okay. Ouchh ansakit ulit. Hayy hirap naman, napapapikit ako.."

"Kaya mo yan, ano ka ba. Para lense suko ka na agad. Baka nakakalimutan mo Ms. Sherrizza Viceral, di lang yan ang gagawen mo. Madami pa. Kaya hurry up na. After mo dyan, magbihis ka na.."

"Sa wakas, lintik na lense yan. Nailagay ko din. Paabot nga girl nung violet hanky ko. Naiyak ako oh.."

"Asusss. Yan, ganda mo girl. Dress na lang at magandang shoes. Perfection na.."

"Nambola pa ang ateng. Sige bihis na ko.."

Sherrizza.

Hayy. What to wear ba? Mamya magbubunganga na naman ang mahaderang bakla na yun. Eh ito lang long sleeves at mga pantalon ang meron ako. Sige, ito na nga lang violet na long sleeves at pantalon na black. Tsaka doll shoes na purple. Ayos na siguro toh.

Ang Lalaki sa BanyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon