Chapter 15: Family Bonding

3.9K 65 0
                                    

Jommack.

Everything seems to be perfect. Ang saya sayang maging bahagi ng Viceral Family. Pakiramdam ko buo na ulit ang nasira kong pamilya, sina Sherrizza ang pumuno ng lahat ng naging kulang sa buhay ko. Naisipan kong ayain at dalhin ang buong pamilya nya kasama si Geraldine.

Sinuggest kasi sakin ng kaibigan kong sina Zath Brilco at Rie Brilco na maganda daw sa Boracay kaya doon ko naisipang dalhin sila. And now were here. Masayang masaya kong pagmasdan si Sherrizza na kahit buntis ay nakuha pang magbathing suit na violet.

Well sexy pa din naman xa kahit medyo umbok na ang magtatatlong buwang tiyan niya. Cute na cute sya habang kumukupit ng mga nilulutong barbecue ni Mama Marinia, heto nga at papalapit na xa sakin. Im just so happy. So happy na abot hanggang tenga yung ngiti ko.

"Hi mako, barbecue gusto mo? Hahaha. Kumupit ako, galit si Mama. Gutom na kasi kami ni baby eh.." nakangiting sabi nito sabay abot sakin ng dalawang barbecue na mainit init pa. Mako ang tawagan namin, short for mahal ko. Xa ang nag isip, medyo weird pero hinayaan ko na. Buntis pa naman xa baka sumama ang loob. Pumangit pa ang baby namin. Hahaha.

"Hala mako, patay ka kay mama oh. Sama ng tingin sayo. Hahaha. Tago ka sa likod ko, dali.."

"Hmp. As if naman hindi nya ko makikita? Ang taba taba ko na nga mako eh.."

"Anong mataba? Sa lahat nga ng mga buntis na nakita ko ikaw lang ang sexyng nakita ko mako. Ikaw talaga, oh ngiti ka na. Sige ka papangit ang baby natin.." sabi ko sabay akbay sa kanya na ngayon at nginunguya na ang barbecue. Haha.

"Nambola ka pa dyan.."

"Hindi noh. I love you mako.." sabi ko sabay halik sa labi nya.

"I love you too.."

Maya maya pa'y nagyaya na si Sherrizza na maligo. Hila hila nya ko sa kamay.

"Mako, dahan dahan ka naman. Mabubulabog na ang baby natin. Baka madulas ka.." worried na sabi ko sabay alalay sa kanya papunta sa maasul na dagat.

"Naexcite lang po, pasensya na.." nakangiting sabi nito.

Nagliwaliw kami sa dagat, sabuyan dito sabuyan dyan. Parang mga bata lang na naglalaro at ngayon lang nakaligo sa tubig. Hahaha. It was really really fun.

"Oy lovebirds, umahon na kayo dyan at baka lamigin ang apo ko. Kumain na kayo dito, dali habang mainit pa ang pagkain.." tawag ni Mama saming dalawa ni Sherrizza.

"Mama naman eh ang oa nyo. Ang sarap sarap pang maligo eh.." reklamong sabi ni Sherrizza kay mama.

"Sus naman anak, para kang bata. You have all the time para maligo, 3 days and 2 nights pa tayo noh.." sermong sabi ni Mama kay Sherrizza. Hahaha. Parang barkada lang. Cool talaga nilang mag ina.

Magana na kaming kumain, habang si Sherrizza naman ay sarap na sarap sa hotdog na inihaw. Nak ng tokwa baka naman pula ang maging kulay ng baby namin nito. Aba eh pang walo ng kain ni Sherrizza yun eh. Hahaha. Hotdog naman ang cravings nya ngayon, pati hotdog ko eh kinuha.

Mas gusto nya daw ang hotdog ko. Oy ha, alam ko ang iniisip nyo. Green minded kayo. Hahaha. Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga ng onti pero maya maya lang ay natripan naman ni Sherrizza na maglakad lakad sa tabing dagat. Medyo pahapon na din kasi at masarap ang hangin.

Magkahawak kamay na binaybay namin ang kabuuan ng boracay. Nang mapagod ay sumalampak na lang kaming dalawa sa white sand at nakuntento na lang na pinanood namin ang papalubog ng araw. Ang sarap sa pakiramdam na maayos na ang buhay ko.

Malayong malayo sa Jommack Alonzo noon na maangas at presko. Napagkasunduan na din ng pamilya namin kasama si Daddy ko ang magiging kasal namin. Nung isang araw kami namanhikan kina Sherrizza, biruin mo nga naman naging daan si Sherrizza para magkaayos kami ni dad.

Ang Lalaki sa BanyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon