Sherrizza.
Since day off ko naman kaya naisipan kong maglinis na lang ng closet ko. Ang dami dami ko kasing mga bagong damit dahil sa kagagawan ni Geraldine. Ang iba libre nya sakin. May dress, mini shirt, shorts, blouse. Pati mga bagong sandals at mga shoes na prima donna.
Knowing Geraldine, sosyal pagdating sa mga branded clothes at shoes. Busyng busy na ko sa pag aayos ng mga gamit ko ng biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, si Geraldine pala ang tumatawag. Atubili man hinagilap ko na ang phone ko at sinagot ang tawag. Ano na naman kayang favor nya sakin this time?
"YES? KUNG TATANUNGIN MO KO KUNG ANONG GINAGAWA KO WELL I'M BUSY BAKLA.." sabi ko pag kasagot sa tawag.
"SUS TEH, ANG OA HA. YAYAYAIN SANA KITANG MAG ALIW ALIW TODAY SINCE DAY OFF MO NAMAN.."
"PAGHADA NA NAMAN YANG NASA ISIP MO BAKLA? TIGIL TIGIL DIN SA BAHAY MINSAN HA?.." sermon na sabi ko sa kanya.
"YUNG TOTOO, IKAW NA BA NGAYON ANG MUDANG KO? WAGAS KUNG MAKAPAGSERMON.."
"OO, AKO NGA.."
"DAYY NAMAN PLEASE, TARA NA. WALA AKONG NAIISIP NA ISAMA NGAYON EH. WALA NAMAN AKONG JOWA. IPAGYABANG MO NAMAN YANG GANDA MO. HINDI KA NA NGA NERD NGAYON PERO ANG STYLE MO GANUN PA DIN. WALANG NIGHT LIFE AT WALANG GALA MODE PAG DAY OFF.."
"HAYY, BUSY PA NGA AKO ATENG. DAMI DAMI KO PANG PAPALITANG DAMIT SA CLOSET KO.."
"DI TUTULUNGAN KITA, WAIT IM GOING THERE NA.."
"WAG NA---.." hindi ko na naituloy ag sasabihin ko dahil busy tone na ang narinig ko. Hayy si Geraldine talaga oh.
Sa halip na mainis kay Geraldine, itinuloy ko na lang ang pag aayos ng mga damit ko. Naisip ko na naman yung eye glass na binili pa sakin ni dad. Kahit naman hindi na ko nerdy look ngayon eh may sentimental value sakin yun.
Si Dad kasi ang bumili nun para sakin nung mga panahong andito pa sya. Tapos ngayon naiwala ko pa. Natigil lang ako sa paglilinis nung bumukas ang pinto at pumasok si Geraldine. Kuh basta sa mga layasan mabilis pa sa alas kwatro ang baklang ito. Hahaha.
"Day ako na dyan at maligo ka na at magbihis para makagora na tayo. Naipagpaalam na kita kay madir.." sabi nito at tumabi sakin.
"Basta sa mga layasan napakagaling mo ateng. Hmp.."
"Dali na kasi, andami pang sinasabi. Tsupi ka na dayy.." pagtataboy nito sakin.
"Oo na. Kung hindi lang kita kaibigan nunca na samahan kita.." sabay punta na sa banyo para maligo.
Si Geraldine talaga, panira ng day off ko. Hooo. Lahat gagawen para makagimik lang. Nagmadali na kong maligo at baka katukin pa ko nun. Hahaha. 30 minutes at natapos na din ako. Nagtalapi na ko ng towel at lumabas ng banyo. Nabungaran ko si Geraldine na prenteng nakahiga na sa kama ko habang nagbabasa ng wedding magazine na binili ko nung isang araw.
"My God sista halos matapos ko na tong binabasa ko eh ngayon ka pa lang nakatapos maligo.." reklamong sabi nito.
"Sus, matagal na ba ang 30 minutes teh? Napakareklamador mo talaga.." sabi ko naman habang kumukuha ng damit na isusuot.
"Anyways, kahit naman pala nerdy ka noon eh naiisip mo pa talaga ang mga weddings at kung anik anik na tungkol sa love? Hindi halata dayy.." sabi nito habang nagbabasa pa din ng magazine.
"Ano namang palagay mo sakin bitter sa love? Kahit naman nerdy ako gusto ko pa din namang maikasal noh.."
"Eh paano ka nga mapapakasalan dayy kung hindi ka fashionable na kagaya ko? Ang in ngayon yung mga updated ang mga style noh. Kita mo hanggang ngayon single ladies pa din ang drama mo. Buti na nga lang kamo at nagchange ka na for the better.." sabay dapa sa kama na parang sirena with matching taas ng paa.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki sa Banyo
RomanceRelationship is not about having sex, but being a human tends to be curious about it.