Hold your head high
the battle is not yet done
Chapter 3:
I'm Going to Write Again!
Golda's P.O.V.
"KAPITANA! Kapitanaaaa!" Napabalikwas ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ko, isabay pa ang nakakabwisit na matinis na boses ni Mima.
"Ano ba naman, ang sarap na ng tulog ko, eh." Nasulyapan ko sa gilid ang alarm clock at nakitang pasado alas dyis na ng gabi. Labag sa kaloobang bumangon ako saka nagpunta sa pintuan. "Mima, dis oras na ng gabi 'yang bunganga mo sumasalipadpad," sabi ko nang buksan ko 'yung pinto.
"May emergency, Kapitana! We need your powers!"
"Emergency?" kinusot ko 'yung mga mata ko. "Sigurado ka ba, eh, tingnan mo nga 'yang face mask mo hindi mo pa nababanlawan, nakakashokot ka!"
"Hinihintay ko kasing matuyo, Kapitana, 'tapos habang nagpe-facebook ako bigla 'kong nakatanggap ng message! May kaguluhan sa purok! 'Yung babaeng nawawala no'ng isang araw, nahanap na!"
Biglang natanggal 'yung antok ko kaya dali-dali akong nagpalit ng damit. Sinuot ko rin 'yung jacket ko bago ako lumabas.
Paglabas ko'y saktong nakapag-ayos na rin si Mima, inabot niya sa'kin 'yung flashlight saka kami umalis. Saktong paglabas namin ay dumating 'yung patrol tricycle galing sa barangay, mabuti't kaagad tinawagan ni Mima para sunduin kami.
Sumakay kami saka binaybay ang madilim na kalsada. Kumulo na naman 'yung dugo ko nang maalala kong ilang beses na kaming nagrerequest sa municipal para lagyan ng mga ilaw ang poste dito. Nitong nakaraang mga araw ay may isang ale ang lumapit sa barangay, nananawagan tungkol sa nawawala niyang anak.
"Teka, saan ba tayo papunta?" saka ko lang naisipang magtanong sa mga kasama ko.
Bago pa sila makasagot ay namalayan ko na lang na paparating na kami sa daungan. Hindi pa kami nakakababa ay narinig ko na 'yung ingay. Nangingibabaw ang boses ng isang naghihisterikal na ginang. Pagpasok namin sa lobby ay naroon ang eksena. May dalawang gwardiya, ang isa'y humaharang sa isang binatilyo, at ang isa'y pinapakalma ang ginang.
"Kapitana!" kumaway sa'min ang isang babae. "Mima!"
"Ay, Madam, siya 'yung nag-PM sa'kin!" lumapit kami sa kanila at nakita namin 'yung ale na lumapit sa'kin noon para humingi ng tulong sa paghahanap sa anak niyang babae na nawawala.
"Walang'ya ka! Ang kapal ng mukha mong itago ang anak ko! Ano bang trabaho mo, ha?! Hindi mo naman kayang palamunin 'tong anak ko!" sigaw ng ale sa binatilyong nagtatago sa likuran ng gwardiya. Ang anak naman niyang babae'y hawak-hawak niya sa pulsuhan at nakayuko marahil sa labis na kahihiyan.
BINABASA MO ANG
Where Dead Dreams Go
AdventureStruggling with depression and a stalled career, Molly, a once-promising writer stumbles upon a mysterious file titled 'Where Dead Dreams Go'. On a whim, she follows its lead to Damgo Island where she meets Golda, a quirky chairwoman and a cancer su...