EPILOGUE

1.5K 102 23
                                    

And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.
-Romans 8:28


EPILOGUE

[Golda's POV]

PAANO nga ba magpatawad?

May nakakaalam ba? May tamang formula at step by step tutorial ba sa YouTube.

Alam ko, hindi madaling magpatawad.

Mas madali kasi 'yung magturuan, 'yung magsisihan. Mas madaling maghiganti kaysa palampasin ang mga pagkukulang ng bawat isa.

Noon ko lang nakitang humagulgol si Gil nang makita niya ako matapos niyang buksan ang pinto.

Hindi ko rin ine-expect na totoo ngang nandito pa rin siya sa Pilipinas at kailanma'y hindi nagtungo ng ibang bansa para iwanan ako.

Oo na, ang tanga ko na noon kung basta ako naniwala sa fake photos na pinadala sa email ko.

Mas madali rin kasing maniwala sa mga kasinungalingan kapag nagkaroon na ng lamat 'yung relasyon ng isa't isa. Para lang masabi at mapatunayan na, 'Ah, sabi ko na nga ba at tama ako'.

Hindi rin madali na aminin na ako ang masyadong mapagtaas kaysa sa'ming dalawa. Kaya ako na ang unang humingi ng tawad sa kanya.

"I'm sorry—" pero isang mahigpit na yakap ang sinagot niya sa'kin bago pa ako makapagpaliwanag. Sa yakap na 'yon, kahit walang salita'y alam kong naniniwala siya na hindi ko siya kayang pagtaksilan.

Bigla akong nahiya sa sarili ko dahil siya nga ay hindi ko man lang sinubukang i-verify kung totoo ba 'yung natanggap kong balita.

Minsan talaga tinuturan tayo ng leksyon sa malupit na pamamaraan. Ngayon, nagtanda na ako. Huwag basta-basta magiging tamang hinala.

Wala na akong ibang nagawa kundi lumuha rin sa balikat niya.

Hindi ko nga alam kung gaano kami katagal sa pintuan nang magkayakap lang.

Sa dami nang nangyari at alam ko parehas kaming maraming gustong sabihin sa isa't isa. 'Yung mga dapat ganito ganyan at sermon pero parang natunaw na lang lahat ng 'yon.

Ang tagal-tagal kong na-miss ang ganitong pakiramdam. 'Yung sapat na 'yung yakap ng taong mahal mo para maibsan lahat ng sakit na nararamdaman mo.

Sa mga bisig niya muli kong naalala ang nakaraan—at mula roon ay nakakuha ako ng pag-asa. Hindi man naging maganda ang ilang bahagi ng nakalipas ay hindi ibig sabihin nito'y wakas na ang libro ng buhay namin dito sa mundo.

Dala ng kasabikan at bugso ng damdamin, dinala kami ng mga paa namin parehas sa kwarto at doon pinagsaluhan ang matagal naming pinagkait sa isa't isa.

Pagkatapos ay saka kami nag-usap nang masinsinan. Bago pa pala ako makabalik ng Maynila ay naipaliwanag na sa kanya ni Blake ang sitwasyon kaya handa na siya pag-uwi ko. Humingi ulit ako ng tawad sa kanya pero tinakpan ng daliri niya ang labi ko.

Where Dead Dreams GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon