/12/ The Backslider's Tale

1.1K 82 17
                                    


Previously:

Theo fatefully encountered Molly at the shore, he shared the message that God wants him to deliver to her. Molly's surprised that Theo knew her name, she still appreciates his concern but her heart is still not open to accepting that she needs to surrender. When Molly walked away, Galilee, Theo's wife, called and frantically told him to go home and leave Damgo Island immediately.

*****

Believe in the Dream Giver
more than you believe in yourself

/12/ The Backslider's Tale

[GOLDA'S POV]

KAPAG pakiramdam kong wala na 'kong pananaw sa buhay, parang gusto ko na lang maging halaman sa gedli. 'Yung tipong ayoko na lang magkaroon ng pake at bahala na silang lahat sa buhay nila.

Pero weird enough dahil kahit gaano ako kapagod katulad na lang ngayon ay hindi ko pa rin magawang iwanan ang alam. Hindi ko rin alam kung bakit. Kahit na minsan napapaisip ako kung ano bang napapala ko rito sa ginagawa ko. Meron nga ba? Ano nga bang mapapala ko rito? May napapala ba 'ko rito?

Baseline naman hindi ba sa mga tao kung bakit sila kumikilos ay dahil may napapala sila? Katulad na lang kung bakit ba nagtatrabaho at nagpapakaalipin ang mga tao? Dahil sa pera.

Ako? Bakit mas pinili ko pa rin manatili rito kaysa sumama sa asawa ko na alam kong nangungulila rin katulad ko?

Punyeta, bakit ba ako nagpapakabayani rito? Hindi naman ako tatayuan ng rebulto rito kung mamatay ako.

Mamatay? Sa tuwing pumapasok sa isip ko ang salitang 'yan ay natatawa na lang ako. Parang kailan lang kasi ay hinarap ko ang katotohanang 'yan. Nagkaroon ako nang malubhang karamdaman noon, at ngayong gumaling na ako . . .

Para saan nga ba ulit ang buhay na 'to?

Bakit nga ba ulit ako nabuhay ng pangalawang beses?

Bakit ko nga ba pinagsumikapang humanap noon ng himala?

At bakit ako pinahintulutang magkaroon ng himala kung ganito lang din naman ang mangyayari sa buhay ko ngayon?

"Kapitanaaa! Kapitanaaaa!" Nasira ang pagmumunimuni ko nang biglang kumatok at tumawag si Mima sa pintuan.

Mga sampung segundo muna akong tumitig sa kisame bago ako sapilitang bumangon.

"Oh?"

"Nahanap na si Molly!" bulalas ni Mima at biglang nagising ang buong diwa ko.

Sabay kaming bumaba ni Mima at nadatnan namin sa sala si Molly at Blake.

"Saan ka ba nagsususuot?" hindi ko na mapigilan 'yung sarili ko na tarayan siya sa dami ng stress na nangyari ngayong araw. Tumingin sa'kin si Blake at para bang sinasabi ng mga mata niya na maghinay-hinay ako.

"Pasensiya na," sagot niya sabay yuko. "I-I just needed a space to breathe."

"Sa laki ng bakuran dito sa bahay ko wala kang space to breathe?" hindi ko pa ring mapigilang tumalak.

"Golda," saway ni Blake sa'kin pero 'di ko siya pinansin.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Okay, alam kong palyado ang event natin ngayong araw—"

"C-can we just talk about it tomorrow? I'm just . . . tired," sabi niya. Sasagot pa sana ako pero hindi ko na tinuloy dahil parang nahawa rin ako sa katamlayan niya.

Where Dead Dreams GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon