/15/ Crossroads

963 66 14
                                    

You intended to harm me, but God intended it all for good

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

You intended to harm me, but God intended it all for good.
-Genesis 50:20 


Chapter 15: Crossroads

[Molly's POV]

I remembered that documentary I watched in Netflix ages ago, tungkol 'yon sa kung paano dinisenyo ang social media apps para ma-hulma ang habits natin para patuloy tayong gumamit nito on loop. 'Yung sa tunog pa lang ng notification ay hindi na tayo mapakali hangga't hindi natin nabubuksan 'yon, at 'yung tipong pagmulat ng mga mata mo sa umaga ay unang-una mong titingnan ang phone mo kung ano ang mga notifications na natanggap natin.

Notifications, huh.

Katulad nga nang nasabi sa napanood kong documentary, indeed, we are already living in a digital age wherein we are digitally habituated creatures. Parang hindi na yata kaya ng mga tao ngayon ang mabuhay ng walang social media apps—unless isa kang monghe o ermitanyo. Ang nakakalungkot lang ay tila ba hindi ka na nag-eexist sa mundo kapag wala kang social media apps, at parang hindi nangyari ang mga kaganapan sa buhay mo kung hindi mo naipo-post as status o story.

Ever since na napagbintangan ako ng plagiarism online at nakatangap ako ng kung ano-anong mga masasakit na salita mula sa mga faceless na tao sa social media, ang dating dopamine addicting notifications ay naging horror na para sa'kin.

I was afraid to even open any social media apps because there was always dread na baka masasakit na salita lang ang mabasa ko mula sa mga tao, kahit na mga puro accusations at judgment lang panigurado. Looking back, I still hated myself for letting other people's opinion steal my peace.

Masakit mang aminin 'to sa sarili ko pero napagtanto ko na naging people pleaser ako para lang patuloy nila akong suportahan sa career ko bilang writer, and what hurts the most, it was the same people whom I tried to please were the ones who threw those harsh words when I was persecuted defenceless online.

Bakit nga ba ito na naman ang tumatakbo sa isip ko ngayon?

Mabuti na lang at walang tao rito ngayon sa comfort room. Pagkatapos kong maghilamos, hindi pa rin naging sapat ang malamig na tubig para pakalmahin ang isipan ko.

Sinulyapan ko 'yung phone ko na nakapatong sa counter at saktong may panibagong notification na message ulit mula sa editor ko.

Ms. Zoey: Can you at least submit a pitch tomorrow? The bosses are asking for updates.

Finally, nakakuha rin ako ng lakas ng loob na muling hawakan ang phone ko. I tried to ignore her earlier missed calls, mabilis kong pinindot ang off button.

Alam kong may responsibility pa rin ako bilang manunulat na pumirma ng kontrata sa publishing company kaya ako nandito ngayon, pero sadyang hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko pa magawang makapagsulat.

Where Dead Dreams GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon