Have you looked in the mirror
and felt that you're an
impostor?
Trust me,
we've been through it all.
/8/ Impostor Syndrome
[MOLLY'S POV]
WELCOME to Damgo Island! Iyon ang malaking karatula na nakapaskil sa arrival area sa pier. Unlike sa mga tourist destinations na napuntahan ko na noon kung saan naka-showcase ang mga larawan ng mga magagandang attractions sa lugar ay parang walang paanyaya rito.
Plain and boring ang karatula kaya hindi ganoon kataas ang expectations ko. Nag-research ako ng bahagya tungkol sa maliit na isla at napag-alaman ko nga na tuwing mahal na araw lang sila dinadayo ng mga turista dahil kilala ang tradisyon at piyesta rito.
Hindi ko na nakita pa si Blake at huling usap na namin 'yung hinatid niya ako sa suite room ko. Anyway, this is a small island, who knows? I didn't get the chance to ask him why he's here, masyado naman akong assuming kung iisipin kong sinusundan niya ako. Ha-ha.
Luckily, there's a habal habal outside the port. May trust issues ako pero hinayaan kong magtiwala sa middle-aged driver na dalhin ako sa inn na tutuluyan ko para iwanan 'yung mga gamit ko.
Habang nasa biyahe ay nagbago ang isip ko tungkol sa isla. Oo, sabihin na nating plain and boring dahil puro mga puno ng niyog at malawak na kapatagan ang makikita, pero napagtanto ko bigla na maganda rin pala talaga ang simple.
I felt the urge to capture the moment kaya nilabas ko 'yung phone ko para kumuha ng video.
Tinatangay ng preskong hangin ang buhok ko habang tumatama ang sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga dahon ng puno sa aking mukha. At pagkaraang madaanan namin ang kapatagan pati ang mga kapunuan ay tumambad ang malawak na tanawin kung saan ay halos magtagpo ang langit at karagatan.
Maybe... through this, I can slowly heal. Cole...Did you truly bring me here?
It also reminded me of the same scenery from one of the footage from the short clip video. An idea already struck me, kung sinadya ni Cole na ipakita sa'kin ang video na 'yon maybe through the clips I can trace his steps.
BINABASA MO ANG
Where Dead Dreams Go
AdventureStruggling with depression and a stalled career, Molly, a once-promising writer stumbles upon a mysterious file titled 'Where Dead Dreams Go'. On a whim, she follows its lead to Damgo Island where she meets Golda, a quirky chairwoman and a cancer su...