/18/ Fall Back to Move Forward

728 66 4
                                    

"Thankfully, joy is an all-season response to life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Thankfully, joy is an all-season response to life. Even in the dark times, sorrow enlarges the capacity of the heart for joy. Like a diamond against black velvet, true spiritual joy shines brightest against the darkness of trials, tragedies and testing."
-Richard Mayhue


Chapter 18: Fall Back to Move Forward


[Molly's POV]

IT felt the same. . .

I know how it feels. . .

to be publicly humiliated, shamed, and accused. . .

"Molly?"

I know how it feels . . .

"Molly!"

Namalayan ko na lang na niyuyugyog na pala ni Blake ang magkabilang balikat ko.

"H-huh?"

"Are you okay? You're spacing out. We're here."

"S-sorry." Inalalayan niya akong makababa ng motor niya. Saka tumambad sa paningin ko ang isang two-storey cabin house. "N-nasaan tayo?"

"My retreat house," kaswal niyang sagot.

"I-it's yours?" Hindi na siya kumibo pa at iginiya ako sa bahay.

Pagpasok namin sa loob ay tumambad sa'min ang malinis na all-wooden designed na bahay. It's nice and comforting. Hindi pa rin nawala ang pangamba sa dibdib ko.

"Golda," I heard Blake called that name. Sa dining area ay naroon siya, nakaupo, bagsak ang balikat. Nang makita niya kami'y tumayo siya.

I don't know what got me but I just ran towards her and hugged her tight. Dama ko ang bahagyang ilang at gulat ni Golda sa ginawa ko.

"A-are you okay?" pabulong kong tanong. Nang bitawan ko siya'y mas nakita ko nang malapitan ang mukha niya. She looked pale because she's not wearing any make up. Her face remained composed but I can still sense the dread in her being.

Sunod-sunod siyang tumango at hinawakan ako sa braso. "Salamat sa pag-aalala mo, Molly."

"S-si Sir Theo?" tanong ko kay Blake.

"He's resting upstairs, he's covered in injuries pero may natawag naman na kaming doktor kanina kaya nagamot naman na ang mga sugat niya," he answered and he turned to Golda. "You should rest as well. Kami na muna ni Molly ang bahalang magprepare ng dinner, we'll call you later."

Isang matipid na tango lang ang sinagot niya at pinanood namin siyang umakyat sa itaas.

Nang maglaho si Golda sa paningin namin ay nagtungo kami ni Blake sa living room area at umupo muna. He looked tired as well.

Where Dead Dreams GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon