Not all people
are capable of
imagination.
Let's inspire
each other
and teach
how to dream
Chapter 5:
The Book[GOLDA'S POV]
"AY! Ano ba yarn bakit naman amoy katinko rito sa loob ng office mo, Madam?" bungad ni Mima pagpasok niya. "Hala, anyare sa'yo, Kapitana?"
"Huwag ka munang tumalak at mas lalong sumasakit ang ulo ko," sagot ko habang nakapikit pa rin.
"Naku, let me guess, Madam, na-stress ka ng bongga sa meeting kanina with the whole sangguinang bitches ano?" Pero talagang tumalak pa rin siya.
Inikot ko 'yung upuan ko para humarap sa kanya. Nasa gilid ko na pala siya.
"Oo," sagot ko na lang para wala na siyang follow up questions.
"Tsika mo naman 'yan, Madam!" naghila pa si Mima ng silya at umupo. "Share some tea! Kanina pa ko walang masagap! Nag-ano ba si ano?"
"Tigilan mo ko sa mga issue issue, Mima, nauubusan na tayo ng budget at huwag mo nang dagdagan ng intriga." Sa totoo lang wala akong pakialam sa mga issue ng politika sa pagitan ng mga members ng sanggunian. Tiningan ko ulit 'yung mga papeles sa mesa ko na sinilip naman niya.
"Anong meron diyan, Madam? May need bang i-revise sa mga program natin for the next time?"
Napabuga ako ng hangin. "Walang i-rerevise dahil kailangan ko lang namang mamili ng ika-cut na mga program."
"Huh? Naku! Huwag 'tong beauty pageant! Saka 'tong pa-liga! Diyan na lang nagsusulputan ang mga pogi!" kaagad niyang kinuha 'yung dalawang folder na kaagad ko ring binawi sa kanya. "Ang KJ naman! Bakit pa need magbawas? Forda happy na nga ang mga person sa barangay dahil sa dami ng mga aktibidades natin. Oh, ha lalim ng aktibidades!" tapos pumalakpak pa ang bruha.
Tinaas ko 'yung paa ko para itulak 'yung upuan niya palayo sa'kin. "Doon ka nga, hindi ako makapag-decide sa ingay mo!" Parang pumitik lalo 'yung ugat sa noo ko dahil dumadagdag pa 'tong si Mima, imbis na makatulong.
"Ih! Madam, clingy ako! Lemme help you!" Habang tinutulak-tulak ko siya'y bigla kong nakita sa phone ko na may tumatawag. Napalakas tuloy 'yung tadyak ko kay Mima kaya tumalsik siya.
"Ouch! Madam! Where are you going?!"
"Kailangan ko lang sagutin 'to," sabi ko at walang lingon-lingong umalis.
Binati ako ng mga nakasalubong ko paglabas ko ng barangay hall. Pumunta ako sa may parking lot sa gilid kung saan walang tao.
"Hello?"
"Mahal?" Napalunok ako nang sunod-sunod nang marinig ang boses ng asawa ko. "I'm sorry I suddenly called."
"Napatawag ka?" pilit kong inayos 'yung boses ko.
BINABASA MO ANG
Where Dead Dreams Go
AdventureStruggling with depression and a stalled career, Molly, a once-promising writer stumbles upon a mysterious file titled 'Where Dead Dreams Go'. On a whim, she follows its lead to Damgo Island where she meets Golda, a quirky chairwoman and a cancer su...