"An anxious heart
weighs a man down,
but a kind word
cheers him up."
-Proverbs 12:25Chapter 10:
Eat One's Heart Out[MOLLY]
HAVE you ever experienced waking up in the morning with a heavy feeling?
Some days, it's okay, sanay ka na. Pero may mga pagkakataon na dumarating na pagmulat mo pa lang ng mga mata mo ay hinihila ka na pababa ng pakiramdam na 'yon. 'Yung ayaw mo nang bumangon.
Dumating na rin kasi ako sa punto na akala ko mareresolba ng pagtulog 'yung problema ko, kapag masyadong masakit, itinutulog ko na lang. Pero hindi rin pala sapat ang tulog para mawala 'yon, kasi gigising ka at maalala mo kaagad na nandoon pa rin ang mga problemang 'yon.
But peculiar enough, there are also times na kahit mabigat, merong tila humihila sa'yo na invisible force paitaas. Parang may hanging tumutulak sa likuran mo at bumubulong na babangon ka ngayon sa ayaw at sa gusto mo.
Siguro iyong pangalawa ang naranasan ko ngayon. Kahit na may natitirang bigat sa kalooban ko'y may pwersang humatak sa'kin para bumangon. Saka ko napansing bukas 'yung bintana, kaya siguro napilitan akong tumayo dahil sa pumapasok na malamig na simoy ng hangin sa silid.
Bumangon ako para isara sana 'yung bintana pero sa huli'y natulala lang ako sa kawalan. Nagsasayawan ang mga puno't halaman sa labas habang natatakpan ng mga ulap ang araw kasabay ng pagdagsa ng maraming kaisipan.
I closed my eyes and took deep breaths. Minsan akong nag-enroll noon sa meditation class para matutunan kung paano kontrolin ang isip ko sa tuwing inaatake ako ng overthinking. Sinusubukan kong gamitin ang mga natutunan ko, minsan tumatalab, pero minsan mas nananaig ang pangamba sa dibdib ko. I guess, I'm not that strong enough yet to ward these negative feelings.
In the middle of my breathwork, biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari noong nagdaang gabi. Rumehistro sa isip ko ang maamong mukha ni Garnet, at ang mga salitang binitawan niya bago dumating ang isang misteryo, that teenage kid with a familiar shirt. And then I remembered him... Cole.
The thought of him made my heart swell with sadness, grief, and joy—the joy of knowing that even though he's gone, it feels like his presence still lingers in this place. I had to find him... his traces that he left behind on this island.
But how? Where do I begin?
Another thought came up, you must find the boy with that statement shirt.
What are you doing Molly? You're supposed to be meditating! And in meditating, wala ka dapat mga iniisip na kung ano-ano! How could you calm yourself like this? Stop thinking!
And just like that, my head went messy. Emotions and thoughts surged like wild waves that I couldn't control anymore, so I stopped and opened my eyes.
This is not helping me at all. How am I supposed to help myself? How can I fight this anxiety? Ang sabi nila, you must love yourself, and I thought I'm doing it well by prioritizing myself. Pero bakit parang kung kailan naman mas pinahahalagahan ko ang sarili ko ay parang mas lumalayo ako sa realidad?
BINABASA MO ANG
Where Dead Dreams Go
AdventureStruggling with depression and a stalled career, Molly, a once-promising writer stumbles upon a mysterious file titled 'Where Dead Dreams Go'. On a whim, she follows its lead to Damgo Island where she meets Golda, a quirky chairwoman and a cancer su...