/19/ A Song amidst Desolation

628 61 3
                                    

"Remain steadfast in your belief, and you will be delivered

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Remain steadfast in your belief, and you will be delivered."
― Joyce Meyer


Chapter 19: A Song amidst Desolation


[Theo's POV]

MALAYO pa lang kami sa exit gate ay masama na ang kutob ko.

"S-sir Theo?" narinig ko ang nangangambang boses ni Molly. Kaya hinarap ko siya.

"I know I'm just assuming this pero malakas ang kutob ko na maraming media sa exit gate," I said in a low tone voice. Parehas kaming nakasuot ng cap at mask, pero hindi pa rin ako makampante na walang makakakita sa'ming dalawa. "I'm worried about you, Molly, ayokong madamay ka sa issue na 'to."

"I understand, Sir, I'll be okay on my own," sagot niya sa'kin at tumango ako. Sabay kaming lumuwas mula sa port ng Damgo Island pabalik ng Maynila. It was a whole day ride at sa totoo lang ay hindi ko nagawang makatulog nang maayos.

"We'll part here," sabi ko. "I'll always pray for you, Molly."

"I-I still don't know how to properly pray, Sir Theo, I'm hoping we can meet again—with Golda."

I smiled at her. "I'm looking forward to that." Niyakap niya ako pero kaagad din siyang bumitaw. Molly and I walked in separate directions at mabilis akong naglakad papuntang exit gate.

At pagdating ko roon ay tama nga ang hinala ko dahil may mga nag-uumpukang civilian na mga tiga-media pala dahil sa mga dala nilang camera at mic.

"Ayun na siya!" sigaw ng isa at tinuro ako. Sa isang iglap ay halos kuyugin nila ako pero diretso lang akong naglakad.

Kabi-kabilang tanong ang binato nila sa'kin pero hindi ako sumagot. Nasulyapan ko si Molly sa malayo na nakatanaw sa'kin pero nagpatuloy lang ako. Hindi napuputol ang pananalangin ko habang naglalakad hanggang sa marating ko ang kalsada.

Habang wala pa ring tigil ang kislapan ng mga camera at mga tanong ng mga reporter ay narinig ko ang malakas na busina 'di kalayuan. Nabuhayan ako ng loob. Hinawi ko ang mga tao't mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ng itim na sasakyan. Kahit tilted ang mga bintana nito'y alam ko kung kanino 'yon.

"Come on, Paps!" bumukas ang sliding door ng van at bumungad si Samuel. Bago pa ako maabutan ng mga tiga-media ay mabilis kong nasara ang pinto at humarurot ang sasakyan palayo.

"Hanep, ah, daig mo pa ang nakapatay," komento 'yon ni Yano na nagmamaneho, ang asawa ng pinsan ko.

"Pinsaaaaan!" mula sa likuran ng sasakyan ay may sumakal sa'kin. Walang iba kundi ang lukaret kong pinsan na si Frida. "Mga animal sila! Napaka-unfair nila! Bakit nila ginawa 'yon sa'yo!" Niyugyog niya ang balikat ko habang patuloy na ngumangalngal.

Where Dead Dreams GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon