/17/ Can I Dream Again?

759 55 1
                                    

"There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens."
-Ecclesiastes 3:1


Chapter 17: Can I Dream Again?

[Molly's POV]

'FOR everything there is a season . . .' minsan ko nang nabasa ang mga katagang iyan mula sa isang tanyag na hari mula sa lumang panahon. Hindi ko alam kung bakit ngayon pumasok sa isip ko ang realization na baka hindi pa ito ang season ko para makabalik sa pagsusulat.

Muli kong inalala ang mga dahilan kung bakit nga ba ako napadpad sa islang 'to. Una, para paunlakan ang imbitasyon ni Chairwoman Golda na maging guest speaker, which didn't end up well because nobody showed up. Pangalawa, para sundan ang bakas na iniwan ni Cole at gawin 'yong inspirasyon para sa susunod kong libro.

In short, I am here all along because I was trying to revive my stalled and dying writing career.

At masakit mang tanggapin, sariwa pa rin sa isipan ko ang mga salita ni Garnet, tama pala siya . . . Na ginagamit ko ang patay naming kaibigan para muli akong makapagsulat—para ano? Para sumikat ulit?

Regardless sa kung anong tunay kong nararamdaman para kay Cole, maaaring ginagamit ko na lang ang emosyon at damdamin ko mula sa nakaraan para magkaroon ako ng lakas para magpatuloy.

It's painful to admit this as well, that the real reason I'm having a hard time to go back in writing is because I lost the hope for the future. Dahil siguro narating ko naman na 'yung pangarap ko? What's next? There's this unconscious fear na baka hindi ko na mahigitan pa 'yung mga naging tagumpay ko noon.

I am afraid to start from scratch and fail miserably.

Natatakot akong magsulat ulit dahil baka wala nang sumuporta ulit sa akin. Ayoko nang pakiramdam na parang nakikipag-usap ako na walang sumasagot sa'kin.

It's lame, right? Inamin ko rin sa sarili ko na nagsusulat ako para sa validation ng ibang tao. Kasi naranasan ko 'yung masarap na pakiramdam na maraming pumupuri sa'yo, kaya dahil doon ay ayoko na ulit maramdaman that I am no longer relevant in this.

Pero . . . Hindi ba't doon din naman ako nagsimula? Nagsimula akong magbahagi sa mundo ng talento ko na walang sumasagot sa'kin. And it drove me to strive more, that's why I achieved my dreams.

It's quite a paradox.

Maraming natatakot sumubok dahil takot sila na mabigo. Pero mas marami palang natatakot sa tagumpay, kasi hindi nila alam kung anong susunod nito.

"Teacher Molly?" kung hindi ko pa narinig ang boses ni Ruthy ay hindi ako babalik sa ulirat. Mga limang minuto na rin pala silang naghihintay sa sasabihin ko.

Sa totoo lang ay hindi ako handa ngayon para magturo sa kanila. Pagkatapos nilang dumating kanina sa bahay ni Golda para puntahan ako ay sinabi ni Mima na mas mabuting pumunta kami sa ibang lugar at nagprisinta si Ruthy na sa bahay nila kami patuluyin.

Where Dead Dreams GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon