Struggling with depression and a stalled career, Molly, a once-promising writer stumbles upon a mysterious file titled 'Where Dead Dreams Go'. On a whim, she follows its lead to Damgo Island where she meets Golda, a quirky chairwoman and a cancer su...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
There's a faint knock on my heart. It's a relentless the force that shouts, You are Mine, my Beloved. you are worthy of My love.
Chapter 4: Answering the Call
[MOLLY'S POV]
"I'M really sorry if at short notice 'yung pagpunta ko rito." Tinaasan lang ako ng kilay ni Alexa bago ako patuluyin sa loob ng bahay nila.
"Alam mo, kanina ka pa nagso-sorry sa phone," aniya. Napangiti lang ako. Some things never change, she's grumpy as ever.
"Oo nga pala," inabot ko sa kanya 'yung bitbit kong plastic, "pasalubong."
"Nag-abala ka pa."
Ito ang unang pagkakataon na dumalaw ako rito sa kanila. Tahimik ang buong bahay kaya 'di ko maiwasang magtanong. "Where are your kids?"
"Ah, nasa music school sila, si Jarvis muna 'yung nagbabantay sa kanila ro'n. Mayamaya ring mga ala singko uuwi na sila." Tumango-tango na lang ako.
Nang makarating kami sa sala ay hindi ko maiwasang mapatitig sa mga picture frame na naka-display. Hindi pa rin naaalis ang ngiti ko sa labi. Seeing the happy faces in those photographs made me a little bit envious, how lucky Alexa had loving children and a husband.
Natigilan din si Alexa nang mapansing nakatingin ako sa mga pictures nila.
"Your kids are adorable," sabi ko.
"Naku, ewan ko na lang kung sabihin mo ulit 'yan kapag na-meet mo ang dalawang pasaway." I slightly chuckled when she said that.
"So, how was it? How's being a mom?" Dinala ako ni Alexa sa courtyard at doon kami nag-usap.
Napabuga ng hangin si Alexa. "Mahirap na masaya, pero worth it," sabi niya sabay higop ng tsaa. Inalok niya rin akong uminom at kumain ng pasalubong kong pastries.
"I guess may mapagtatanungan na ako kung sakali." Muntik nang mabuga ni Alexa 'yung iniinom niya. "Hey, okay ka lang?"
Napaubo si Alexa bago nagsalita. "Ako nga ang dapat magtanong niyan sa'yo, my gosh!" Pinanlakihan pa niya ko ng mga mata. "Anong nangyari? In a relationship ka na ba ulit? Mag-aasawa ka na?"
"Alexa, calm down." Inabutan ko siya ng tissue. "No, I'm not in a relationship since the last time I called you crying like shit."
"What? Ang tagal na ha! You mean, hindi ka pa rin nakakamoved-on kay Gar—" bago pa niya matuloy ang sasabihin niya'y tinikom niya ang bibig niya. "Okay, I'm sorry for overreacting. Pero seryoso, Molly, what happened?"
I just stared at her for seconds. Hindi niya alam, hindi nila alam... Well, dahil magkakaiba na ang mga mundong ginagalawan namin... Pero hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanya 'yung nangyari sa'kin.