Lumabas ako sa sa fitting room na may suot na silver fitting dress, sando type ito pero halos ipakita naman ang laman ko. "Uy, hindi ko 'to gusto." Diretsyahan kong sambit sa kaniya na kaka-lingon lang sa'kin. Kanina kasi busy siya sa cellphone niya. "Umalis na tayo dito, hindi ko type ang mga damit dito. Magsasayang ka lang ng pera mo dito." Giit ko habang tinatakpan ang na-exposed kong balat sa may dibdib ko.
Tiningnan niya ako na tila ba kinikilatis ang damit na suot ko at hindi ako. Nagka-salubong ang kilay ko sa kaniya. "Looks good on you, but I prefer na may shawl kang suot." Aniya at agad na nilingon ang babae na nag-assist sa'kin. "Go, get her a feather shawl."
"Yes, Mr. Monteiro." Napamaang ako nang baliwalain niya ang hinaing ko. Nilapitan ko siya at niyugyog ang balikat niya. Kahit papaano ay matangkad naman siya kahit naka-upo lang at hindi ko na kailangan na yumuko.
"Naririnig mo ba ang sinasabi ko? Hindi ko gusto ang ganitong uri ng damit!" Reklamo ko, pero ang mga mata niya ay sa iba nakatingin. Wala sa sarili na sinundan ko ang mga mata niya at agad na napa-singhap nang nakatingin siya sa dibdib ko. "Bastos!" Umatras ako at tinakpan ang dibdib ko. Lanya, bakit ba kasi ito ang ipina-suot niya sa'kin.
Nakita ko ang pag-arko ng kilay niya sa'kin. "You're the one who served the scenery to me, wife." Prente niyang sagot at pinag-krus ang matitipuno niyang hita.
Uminit ang mukha ko sa sinabi niya at nangangatal ang bibig ko na sagotin siya pero walang salita na lumalabas. "Aish! Nakakainis!" Nag-martsa ako pabalik sa fitting room, pero bago ako maka-pasok ay hinarangan ako ng babae, dala ang shawl na hiningi keme no'ng kidnapper ko.
"Mrs. Monteiro, Mr. Monteiro asked you to wear this and showcase the outfit to him after." Gusto ko magpa-padyak sa inis, dahil hindi lang ang kidnapper na 'yun ang makulit kundi ito ring babae.
"Pakisabi, ayoko at magbibihis na ako! Gusto ko ng umalis!" Asik ko at papasok na din sana nang...
"I can hear you, Mrs. Monteiro." Pumaibabaw ang kaniyang ma-awtoridad niyang boses, slash baritone at malalim. Para bang pinaumukha niya sa'kin na wala akong kawala. Pina-ikot ko nalang ang mga mata ko at labag sa kalooban na hayaan ang babae na isuot sa'kin ang shawl.
"Looks good on you." Sabi niya habang may multong ngiti sa kaniyang labi. "I'll buy this pair." Tiyaka siya may kinuha na card sa wallet niya at ibinigay 'yun sa babae.
"I will be back for a few moments, Mr. Monteiro." At nagpaalam na rin ang babae. Napatingin siya sa kaniyang relo tiyaka nag-angat ng tingin sa'kin.
"We still have remaining two hours." Sabi niya habang tinitingnan na naman ako. Umingos lang ako at tumalikod sa kaniya. Buang talaga ang lalaking 'to may saltik sa utak. Ngayon kailangan ko pang ginawin sa paa dahil naka-tsinelas lang ako.
"Let's go." Ilang sandali pa ay niyaya na naman niya akong umalis. Kinaladkad pa ako palabas at sa kasunod naman na boutique kami pumasok. Kagaya ng ginawa niya sa naunang boutique ay pinalabas niya ang lahat ng tao.
"Sumusobra ka na!" Anggil ko na hindi niya pinansin at ipinaubaya ako sa babae.
"Good evening, Mr. Monteiro. What can I do for you?" Pormal na tanong ng babae. Well, maganda siyang babae kahit na naka-corporate ng suot.
"Find her a better foot wear that is suitable for her." Maka-utos ba naman sa babae ay akala mo maid niya. Tapos ang babae naman ay yumukod sa kaniya na para bang naiintindihan ang gusto niyang nangyari.
"As you wished, Mr. Monteiro. Let's go this way..." Paanyaya ng babae at aalis na din sana kami nang...
"She's my wife, treat her better." Ayy aba't?! Nagtitimpi lang talaga ako sa kaniya, dahil sa mga pinanggagawa niya.

BINABASA MO ANG
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...