Prologue

1.6K 71 11
                                    

"Mia! Mia!" Nasa daan ako at nakikipag-laro ng toss coin kasama ang mga barkada ko na taga-baranggay lang din namin. "Mia! Ano ba? Bingi ka ba, ha?!" naiinis na tinoss ang benchingko ko sa daan dahil sa kaingayan ni nanay.

"Oi, Mia. Paano ba 'yan? Tinatawag ka na ng nanay mo." nagtagis ang mga ngipin ko dahil sa katotohanan na sinasabi ni Jude. Pati bunbonan ng ulo ko ay nangangati kahit na naka-sombrero ako palagi at walang kuto.

"Kapag hindi mo sinipot 'yung si Aling Miranda, patay ka talaga. Hahabulin ka na naman ng walis no'n." pag-sang ayon naman ni Tobi at umakbay kay Romy at nilalaro ang benchingko niya sa pagtoss-toss sa kanang kamay niya.

"Alam mo, Mia. Kung ako sa'yo. Puntahan mo na muna ang nanay mo." Suhestiyon naman ni Dave habang nilalaro ang Nike niyang sombrero na made in Edsa.

"Tiyaka, huwag ka mag-alala at itigil muna natin ang pustahan natin. Bawi nalang tayo sa susunod." segunda rin ni Lloyd na inakbayan ako at tinatapik-tapik sa balikat. May nakapiring ito na pulang panyo sa noo. Nag-mistulang headband sa buhok niyang malabong.

Kagaya ko, malalaki ang shirt at shorts namin. Yung pormahan ay pang-tambay talaga. Animo'y same fashion kami. Tiyaka minsan na din kaming nabu-bully dito sa baranggay dahil sa ka-werduhan daw namin. Hayy, mga tao talaga basta may sayad sa paningin nila ay marami ng nasasabi.

"Mia!!" at sa tawag na nga na 'yun nakita namin si Nanay na may dalang walis. Madilim at naiinis ako nitong tinititigan. "Tinatawag kita, hindi ba?" ngayon ay sina-sarkastiko naman niya ako.

Nakanguso na lumayo ako mula sa bilog ng mga barkada ko at nilapitan si Nanay. "Hindi kita narinig, nay. Tiyaka, bakit ka ba sumisigaw?" Pagsisinungaling ko pa na ikinalukot ng husto ng mukh niya. Kulang nalang maginge bulldog na nasa Tom & Jerry ang mukha niya. "Oh? Bakit masama na naman ang tingin mo sa'kin? May kulang pa ba sa binibigay ko sa inyo?" pero imbes na sagotin niya ako ay hinila niya ang kamay ko patungo sa bahay namin na nakatayo sa likod ng tindahan ng mga Roces. Sila 'yung medyo asensado sa baranggay namin. At sa kanila din ako minsan rumaraket para hindi lang magbunganga si nanay. Alam niyo naman, kapag walang pera mabubunganga talaga ang mga nanay.

Pero iba naman ang nanay ko, imbes na sa pang-kain igagamit. Sa sugal winawaldas. Malay ko ba kung papaano ko siya natagalan.

'Yung tatay ko naman, kaka-matay lang nitong nakalipas na taon. Tigas kasi ng ulo, sige pa rin sa bisyo. Kung si nanay ay sugarol, si tatay naman lasenggero. Buti nga ako ay tambay lang at hindi mabisyo.

"Nay, naman. Naglalaro ako doon, bakit mo ba ako dini-disturbo?" nagpapadyak kong tanong. Yung bahay namin parang kubo lang ang laki. Ang mga bubong ay plywood lang.

"Makinig ka--"

"Nakikinig ako. Kaya sabihin niyo na maypa-hila keme ka pa eh." kaka-out ko nga lang mula sa karenderya ni Manang Karen doon sa eskinita tapos ginugulo na naman ako.

May binigay itong piraso ng papel sa'kin. "Ayan, bagong raket mo 'yan. Pumunta ka roon mamaya bago mag alas-syete." kung maka-utos nga ito ay parang donya. Pero porket binu-bully ko ang nanay ko, may awa pa rin naman ako. Tiyaka nire-respeto ko din siya.

Tiningnan ko ang papel at namilog ang mga mata ko nang napagtanto na sa Manila ito. "Nay! Nahihibang ka ba? Ang layo ng Manila, tapos papupuntahin mo ako doon? 'Yung sahod ko nga ngayon kay Manang Karen ay hindi pa sapat 'yun pang pamasahe eh!" maktol ko sabay saulo ng papel na hindi niya tinanggap at iniwasan.

"Mia, kailangan mo pumunta roon. Alam mo bang 'yan ang ipinupunta ko sa internet café para maipasok ka lang diyan, ha? Malaki ang magiging sahod mo. Hayaan mo, manghihiram muna tayo ng pamasahe kay Inday Juday. Bayaran nalang natin kapag nakapasa ka na sa interview." Giit niya na mas lalong nagbigay ng sakit sa ulo ko. "Saglit, may kukunin ako." at umalis nga ito at pumasok sa nag-iisang kuwarto namin. Siya lang gumagamit no'n. Sa sala ako natutulog kasi. Kalaunan ay bumalik din siya agad dala ang tatlong kopya ng bondpaper. "Heto, ito ang resume na ipinasa ko. Kapag nakarating ka na roon, ipakita mo lang 'yan at makakapasok ka kaagad." tas ipinakita pa nito ang isang bondpaper na may laman na ID ko. "Partial lang daw muna 'yan na ID mo, since malayo ka naman sa syudad." bagsak ang aking mga balikat na pinapanood siya. Wala akong gana, wala ako s mood. Ni hindi ako nakakapag-relax ng isang oras pero heto siya. "Anak naman, marami pa tayong pending na utang. 'Yung sa morgue nga ay hindi nababayaran. Tiyaka yung upa sa lupa ng pinaglibingan ng tatay mo hindi pa rin nababayaran. Tas may utang pa tayo kay Madam Roces! Paano nalang kung paaalisin tayo?"

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now