Kahit hindi niya tutukan ng maayos ay ito 'yung babaeng nasa litrato ng isinend ni Alexus sa kaniya no'ng nakaraang gabi.
"Denise..." Malamyos at malagong ang boses ni Alexus para sa babae. Kapagkuwa'y nagyakapan ang mga ito.
She's out of order.
Pero nang nagkatinginan naman sila ng babae ay nginitian siya nito at gano'n rin ang ginawa niya. Sinigurado niyang walang halong bakas na peke. "Hi! You must be Alexus's wife, right?"
At dahil mukhang nangangasim ang mukha ni Mia ay kumuha siya ng cherry at ninguya 'yun. "Hello, yes I am." In-extend pa niya ang kamay para hindi nito masabi na may grudge siya dito. Mahirap na at gano'n pa naman ang nangyayari sa soap opera. Sabon yarns?
Tinanggap nito ang pakikipag-kamay niya, "Nice to meet you, I'm Denise Romero. Czar's fiancé," at mukhang kagaya niya ay gano'n rin ito sa kaniya. Pinamukha talaga nito na ito ang tunay na fiancé ni Alexus. Pero wala naman siyang pakealam, 'yun nga lang ay masama ang pakiramdam niya nang makita ang babae.
"Same here, I'm Mia Monteiro. Alexus's wife." Akala ba nito ay magpapasindak siya? Ilaban niya nalang ang rights niya as wife ni Alexus kaysa sumama pa lalo ang loob niya.
The girl is wearing a gold gown, pero hindi kagaya ng kaniya na sexy at fitting na mermaid gown. Kung ang kaniya ay off-shoulder, sa babae naman ay naka A-line na ball gown naman.
Maganda si Denise lalo na sa personal. Perpektong-perpekto ang ganda nito. Kahit sa labi nito na may heart-shape, matangos din ang ilong, at may pagka-chinita at may kakapalan na kilay pero ang pilik mata nito ay hindi gano'n ka-haba. Sexy din at literal na nakakapang-agaw pansin.
"Ito na ba 'yung sinasabi mong asawa mo, Alexus? Wow! Hindi ko inakala na napaka-ganda niya pala." Ani ni Thomas at sayang-saya na makita siya, "Hello, beautiful Madam. I'm Thomas at nagagalak akong makilala ka." Kukunin dapat nito ang kamay niya mula kay Denise nang agad na kinuha ni Alexus ang kamay niya at pinagsiklop 'yun.
"Denise, we've already separated and there's nothing between us. Compose yourself and don't give a fuck on calling me babe and my fiancé, as well as respect my wife's presence of you still want a good friendship." Seryosong sambit ni Alexus at hinapit pa siya dito. Napamaang naman si Mia dahil sa hindi niya inaasahan na sasabihin nito. Anong show ito? Ano na namang pakulo ni Alexus ngayon? 'Yun ang iilan sa mga tanong na hindi niya magawang maintindihan. "See you around, Thomas. Me and my wife has to leave for dinner."
"Alex--" sasabihin niya sanang ayus lang na sumama ito sa mga kakilala dahil kaya niya naman kumain mag-isa pero hindi natuloy dahil hinatak na siya paalis nito.
"That was nothing, Mia. Don't take it in a bad way." Anito at pinaghugot siya ng upoan, napipilitan nalang din siyang umupo.
SAMANTALANG naiwan na katawa-tawa si Denise na tinatawanan ni Thomas. Hindi maipinta ang mukha ni Denise dahil sa inis.
Naiinis kay Alexus sa pag-deny sa kaniya at sa babaeng hamak na mas maganda pa sa kaniya.
"His girl is a rare beauty! Damn, hindi na ako magugulat kung na-inlove na kaagad si Alexus do'n." Masama niyang tiningnan si Thomas na nag-ngising aso lang, "Why are you glaring me like that? I'm stating the truth. Maganda ang Mia na 'yun and I wonder if she's good at bed as well?" At mukhang hindi talaga ito titigil sa pang-iinsulto sa kaniya at mas lalong nag-iinit ang ulo niya dahil dito. Kapagkuwa'y lumapit si Thomas sa kaniya at hinapit ang kaniyang bewang palapit sa maskulado nitong katawan. "But she couldn't defeat you in bed. You're fucking hot with a good cave, Denise. Fuck, you make me feel horny." At agad siyang hinila patungo sa kung saan na hindi niya naman kinu-kontrahan at may ngiti pa siya sa kaniyang labi nang nasa elevator pa lang sila ay nilukumos na siya nito ng uhaw na halik.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomantizmHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...