Kasalukoyan na nasa isang importanteng meeting si Alexus sa Bicol para sa launching na magaganap sa susunod na buwan. Isa siya sa mga nagmamay-ari ng bagong bili na hacienda, na nitong nakaraang buwan lang nakakapag-simula na umani at nakakapag-deliver sa mga consumer sa iba’t-ibang market. Malaki ang lupa at isang milyon na hectares sapat na para sa malaking taniman ng bigas, mga halaman, niyog, prutas at gulay na isu-supply sa mga pam-publikong tindahan.
Nagka-interes siya dito nang inalok siya ng kapatid niyang si Spencer na maging major investor sa naisip nitong negosyo. Bago lang kasi ito sa industriya ng pagne-negosyo at ang kambal nito na si Spade ay kaabay din nila sa negosyong ‘to. Pareho kasi ‘yung mga doctor at madalas okupado ang oras sa ospital dahil sa maraming pasyente na dumadating sa ospital araw-araw.
“Currently, may dalawangpo tayong trucks na magde-deliver sa karatig rehiyon. At tungkol naman sa exportation natin sa ibang lalawigan ay naka-handa na rin ang cargo boat from the Imperial family—”
Naputol ang pag wrapped up ng reporter sa harapan nang tumunog ang cellphone ni Alexus. Nasa kabilang kabisera naka-upo si Alexus kaya’t dumako ang tingin ng lahat sa kaniya nang hindi niya ‘yun sinagot agad.
Natatamad na tiningnan niya ang caller at nakita na isa sa mga bantay niya sa bahay ang tumawag. “Why did you call? Siguraduhin niyo lang na importante ang sadya niyo because you just ruined my meeting.” Nagbabanta niyang sambit sa mga ito.
“Pasensya na, Boss. Pero kasi, si Madam—”
“What about her?” diretsyahan niya rin itong tinanong dahil sa hindi niya gawain na mag-sayang ng oras at bawat minuto ay ginto para sa kaniya.
“M-Mukha kasi siyang may sakit. Ilang beses po siyang bumabahing kanina habang kumakain kami. Gusto ng naming tanungin pero parang tinatago niya lang—”
Awtomatiko na napatayo si Alexus na ikina-igtad ng lahat. Gumawa kasi ng ingay ang kinauupoan niya dahil sa bigat at rahas ng pagkakasakal ng upoan sa sahig. “Guard her well, I’ll fly back to Manila now.” Tiyaka niya tinapos ang tawag at isinilid ang cellphone sa bulsa. Binalingan niya ang mga ka-meeting niya. “Send me the summary of this meeting. I will read it at home.” Maliban sa pagiging major share holder ay ang pirma niya rin ang importante sa lahat. Kung e-aproba ng ibang share holder ang nasabing proyekto pero hindi niya gusto, maaaring mai-sawalang ang naging approval ng mga ito. Kaya’t kinailangan niyang pagtuonan ng pansin ang bawat desisyon ng mga negosyong pinag-investan niya ng malaki.
Umakyat sa rooftop ng building si Alexus pero wala roon ang helicopter na sasakyan niya. Binunot niya ang cellphone at tinawagan ang piloto. “Where the fuck are you? I have to go back to Manila, this instant.”
“Grabe ka naman, insan! Kaka-uwi ko nga lang sa mag-ina ko mula sa pag-hatid sa’yo. Mag kotse ka muna, hindi ko maaaring iwan ang anak ko. ‘Yung asawa ko nagpapaligo ng sanggol namin—” Naiirita na pinatayan ng tawag ni Alexus ang pinsan niya mula sa step family niya. Tiyaka naglakad pabalik sa elevator at nagpatid sa basement. Wala siyang choice kundi ang mag kotse. Inabot pa siya ng ilang oras para makarating sa paa ng Maynila at madilim na rin ang kalangitan. Nangangalay na ang puwet at likuran niya sa kaka-upo ng matagal habang nagmamaneho, pero lintek na traffic! Pagdating niya sa edsa ay na-struck siya.
---
Alas sais pa lang ng gabi ay nagluto na si Mia ng afritada para sa pag-uwi ni Alexus. Habilin kasi nito sa kaniya kanina na ipagluto ito ng hapunan. Pero kahit hindi naman nito sasabihin ay gagawin pa rin niya. Para hindi madapuan ng sakit niya ang niluluto niya ay nag-mask siya. Sa ngayon ay tubig lang talaga ang iniinom niya bilang gamot. Bukod kasi sa sinisipon siya at nilalagnat ay dinatnan din siya ng tonsils. Marahil ay sa kaka-inom niya ng juice, kain ng pocorn at tsokolate na bisquit kaya siya nagkaroon no’n. Sa bawat lunok niya ay nalulukot ang mukha niya sa sakit.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...