Chapter 1: I'm your what?

666 64 11
                                    

MIA

Nagising ako ng may mabigat na ulo. Napahawak ako sa aking ulo at marahan na minamsahe ito. "Argh! Ang sakit. Animal talaga!" pagmura ko, lalo na ng maalala ko ang ganap kanina. Napakunot pa ang bunbonan ko dahil sa lalake na sumako sa'kin. "Walahiya talaga ang lalakeng 'yun! Sino ba siya, huh? Bakit niya ako kinidnap?" bulalas ko na naman at tumagilid ng higa. Pero napatigil ako nang maramdaman ang malambot na higaan. Awtomatikong bumukas ang mga mata ko. "Hala?! Nasaan ako?" Gulantang kong sambit. Naka-awang pa ang bibig ko dahil sa ganda ng kuwarto! Hindi man siya naka-desinyo para sa babae, pero ang kombinasyon ng itim at grey ay nagawa nitong makuha ang taste ko!

"It's good that you're awake." Naramdaman ko ang pagkatigas ng katawan ko nang may marinig akong nagsasalita.

Umiling pa ako dahil wala naman akong nakita na ibang tao dito. Napalunok ako at nanlamig. "K-Kung may multo man dito, pakiusap lang... Lubayan mo ako! Hindi ako takot sa tao pero literal na takot ako sa hindi-makataong bagay!" hindi ko mapigilan ang sarili na hindi sumigaw.

"Tsk. What are you saying there, my dear wife?" napatakip pa ako sa naka-awang kong bibig nang mapagtanto na ka-boses pa ng lalaki na nakita ko kanina ang nagsalita! Bigla akong kinilabutan. "Turn to your right. I'm here." unti-unti akong lumingon sa kanan at kamuntikan pa akong mapatalon dahil sa nandito nga siya!

Wala man lang ka emo-emosyon ang mukha nito at mukhang bored pa. "N-Nasaan ako? Bakit kasama kita, ha? May masama kang balak sa'kin, ano? Umamin ka na!" sunod-sunod kong tanong habang humihigpit ang pagkakahawak ko sa makapal na kumot.

"You are in our room." kasuwal niyang sagot at hindi man lang nawindang!

Ngunit lumubo pa ang pagkakagulat ko sa sinabi niya, "Sinasabi m-mo ba na k-kuwarto... ano?! Sino ba ang niloloko mo, huh?" marahil ay nagsisinungaling lang ito at pina-prank lang ako para maniwala sa kaniya.

Napabuntong hininga siya kasabay ng pag-sarado ng libro na kaniyang binabasa which is ngayon ko pa lang napansin. Naka-krus ang mga binti nito at emotionless na binalingan ako ng tingin. "You just called me, walanghiya. Now you're calling me, manloloko?" tiyaka siya tumayo at mahina na umuklo palapit sa'kin. Binalot ko ang sarili at nagtago sa ilalim ng kumot. Patay kang babae ka. Bakit hindi mo pinipigilan ang bibig mo na magsalita ng kung ano-ano?! Gusto kong tampalin ang bibig ko sa pagiging disgrasyado.

"Huwag kang lumapit! Binabalaan kita, Sir! Don't you dare come near me!" Amp! napapa-english pa ako, jusko! Nanginginig na ako sa takot. Ngayon ko lang napagtanto na hindi lang pala ako sa multo takot, kundi sa tao rin na kagaya niyang walang kaemo-emosyon. Ang lakas pa kamo ng kabog nitong puso ko, at hindi ko alam kung papaano ko patatahimikin.

"Why are you hiding in there? Mukha ba talaga akong manloloko sa paningin mo?" aniya, napakagat-labi ako nang marinig ulit ang malalalim niyang hininga malapit sa mukha ko. "For real, you do not know your job?" papaano ko malalaman? Ni hindi pa ako nakapunta sa nasabing kompanya na pinapapapunta sa'kin ni Nanay. "Are you just going to ignore me and stay all night just like that?" tunog man siyang kalmado pero nahihimigan ko ang pasensya niya na unti-unting nauupos sa'kin. "Look, I hired you at Wife Corporation a day ago. Since you didn't show up for a day, I went out just to search for you. Pero hindi ko inakala na isang ignorante ang mapipili ko." napabalikwas ako mula sa pagkakatago para harapin siya ngunit namilog ang mga mata ko nang lumapat ang labi niya sa tungki ng ilong ko!

"Ahhh!" nakapikit na itinulak ko siya palayo.

"Psh. You're weird." komento niya at lumayo din kalaunan.

"A-Ang halay mo!" sumbat ko habang tinatakpan ang kalahati ng mukha ko. Naramdaman ko pa ang weirdong pag-iinit ng aking mukha! Which is hindi ko pa nararamdaman sa tanang buhay ko! Tiyaka 'yung puso ko, parang gusto ng takasan ang ribcage ko sa tindi ng pagtibok!

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon