Chapter 15: Danger

334 38 0
                                    

MIA

Dala-dala ang platito na may laman na chicken cordon at sauce nito ay umakyat dinala ako ng aking mga paa sa labas ng dance hall, sa may barandilya ng barko kung saan ko malalanghap ang preskong hangin na nagmula sa karagatan.

"Mabuti pa nga dito, tahimik. Walang matang-lawin." Sabi ko sa aking sarili at kumagat sa masarap na chicken cordon. "Hindi na rin masama ang mapasama sa asawa kong 'yun at naka-kain ako ng mga masasarap na pagkain. Pero ito talaga ang peg ko." Dinilaan ko pa ang iilang mayonnaise na nangilid sa aking labi bago kumagat ulit. "Pero mas masaya talaga kapag kasama ko dito si Nanay. Tiyak na matutuwa to dito at matakaw pa naman 'yun. Hahaha!" Natatawa na nga lang akong mag-isa. Pero nakakatawa naman hindi ba?

Owemm, huwag niyo na palang pansinin baka sasabihan niyo pa akong baliw.

"Are you Mia Borromeo?" Isang sopistikadang boses ang napagpatigil ng moment ko. Mula sa pagkakaharap sa madilim at malawak na karagatan ay napapalingon ako sa likuran ko.

Isang babae sexy at medyo matangkad pa sa'kin. Nakasuot siya ng isang A-line midnight red dress. Wala naman masyadong design maliban sa plain lang at fitting kagaya ng sa'kin. Ang buhok niya ay naka-clean bun up-do. Ang ilong nito ay isang hugis aquiline at ang kaniyang mga kilay ay may magandang kurbata, animo'y mala Anne Curtis dahil sa on-flickered ito. Tiyaka kutis pa lang niya kulay crema na at ang nga nata niya naman ay rounded at hindi naman kalakihan. Tamang-tama lang. Nakakaagaw naman 'yung mata niya na parang kulay kape barako.

"Uhh, oo. Ako nga." Medyo nahiya naman ang ganda ko sa ganda ng babaeng 'to.

Ngumiti siya sa'kin at hindi ko alam for what reason. "I knew it! Oh my ka girl! Ang guwapo ng husbando mo ah!" Ako naman itong na-shock sa pagiging mema niya. Hindi ko pa siya kilala pero kung maka-talk sa'kin ay kilalang-kilala na ako.

"P-Pasensya na miss, ah? Alam kong maganda ka, at tiyak na mas maganda pa talaga sa'kin. Pero kase... Hindi kita kilala." Pag-amin ko sa kaniya na ikina-halakhak niya.

"Oh, right! I'm Annabella. Myembro din ako ng wife corporation kaya kita namukhaan. I like to stroll and scroll kaya kita nakilala." Namilog ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. So, taga wife corporation talaga siya? Kaya pala ang ganda niya! Pang model ang awrahan! "Anyways, salamat sa compliment! Maganda ka rin naman." Anito na ikinangiti ko nalang. "Nga pala, bakit ka umalis do'n sa sayawan niyo ng mister mo? Hindi naman dapat ikaw ang umalis, dapat 'yung babaeng nanggulo sa inyu ang umalis. Kung ako sa'yo pinektusan ko na ang walang manners na babaeng 'yun." Wika niya na mukhang ayaw na ayaw talaga kay Denise.

"Siya naman kasi dapat ang nando'n, kaysa sa'kin, Annabella." Katuwiran ko sa kaniya na ikinatigil niya. Siya kasi itong panay kuwento. "Siya ang Fiancé ng asawa ko." Pag-amin ko kasabay ng pag-ngiti. "I don't have the rights to step my butt between them, dahil materyal na asawa lang naman ako ng lalakeng 'yun. Hindi ba't 'yun ang trabaho natin?" The fact na itinago ko kay Alexus ang tunay kong nalalaman tungkol sa trabaho ko ay masaya. Para akong nakikipaglaro ng tagu-taguan. Pero ngayon parang may mali. Oh, di'ba? Napa-english pa ako.

"You're right. But you're still his wife. Fiancé lang siya! You shouldn't have let him date his real love when he's still entangled to you. Geez, this job was quietly a pain in the ass. If I were you, baka nalumpo ko na talaga ang babaeng 'yun." Ewan ko ba, at natawa ako dito kay Annabella. Naalala ko lang si Dave 'yung isa sa mga tropa ko na makahilig mag dirty-talk tungkol sa pangangatuwiran. "Ano kaya kong subokan mong labanan ang babaeng 'yun, Mia? Patayin mo sa selos bilang kabayaran ng pagpapahiya sa'yo do'n sa ball dance." Napapa-isip ako sa kaniyang sinabi. Oo nga noh, may point din siya.

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now