"Bakit ka pa nag-abala na tulongan ako? Hindi ba't tinulak ko naman ang babae mo?" Nagtanong kaagad si Mia nang maibaba siya ni Alexus sa couch na nasa sala ng suite nila.
"So, you want Thomas to help rather than me, your husband?" Hindi nakapaniwalang tanong ni Alexus. "And what do you mean by my woman? I only have you." His lies echoed the spacios living area.
"Ano naman kung tutulongan ako ni Thomas?" Naiiritang sambit ni Mia kayw Alexus. "Akala mo rin ba ay hindi ko alam, Alexus? Ignorante nga ako at walang alam sa pamamalakad ng mundo mo. Pero hindi ako bulag. I can see that she's not just someone, but your real fiancé." Dagdag niya na walang halong biro at pawang seryoso na nakatitig kay Alexus na umiigting ang bagang at nagsimulang maging malamig. "Tatapatin na kita, at dapat ay no'n ko pa talaga sinabi 'to sa'yo." She heave a deep breath and exhale it longer. Biglaan kasing sumisikip ang puso niya na hindi niya makuha kung bakit. "Three days after you took me to your house ay nalaman ko ang tungkol sa trabaho ko. Hired wife mo nga ako na pinu-purchase mo sa wife corporation. No'ng una ay hindi ko magawang paniwalaan pero ang address na isinulat ng nanay ko sa papel ay tugma sa mismong lugar ng bahay mo. Hindi ko alam kung para saan at kung bakit mo ako kinuha while may karelasyon kang iba, pero sana ayusin mo ang relasyon Monday babaeng 'yun dahil ayokong ma-insulto for someone na hindi ako-"
"You know?"
"I do! Kasasabi ko lang di'ba?" Sarkastiko niyang sambit. Walang kaemo-emosyon ang mukha ni Alexus sa oras na ito. Nakatitig lang siya kay Mia na para bang nakatitig siya sa isang empty space. "Kaya hindi mo na kailangan pang magpanggap sa harapan ko, dahil alam ko."
Matapos ng naging sagot ni Mia ay nabalot sila ng katahimikan. Umiwas din siya ng tingin kay Alexus. Ayaw niyang makaramdam ng pagka-guilty.
"Mas mabuti pang-"
"What if, I don't want to?" Napatigalgal si Mia sa pagbara nito sa kaniyang sinabi. "What if ayoko siyang puntahan? Paano kung dito lang ako at hindi ako aalis sa tabi mo?" Umawang ang bibig ni Mia dahil sa sinabi nito na hindi niya nagawang paniwalaan. "What are you going to do?" Muli ay napatingin si Mia sa mukha ni Alexus at nakitang namula ang ilong at mga mata nito. Tears are forming in his eyes.
"Hindi 'yan pwede, Alexus. Siya ang mahal mo. Siya ang nagmamay-ari sa'yo. Kaya huwag mo ng gulohin pa ng husto ang situwasyon. Naiintindihan mo ba?" Pagtatama niya sa mga sinasabi ni Alexus. "Tiyaka, hindi pa ako aalis. I'm still your wife. In papers. After ng kontrata natin ay tapos na rin ang magiging ugnayan natin. Kaya't hanggang maaga pa ay ayusin mo na muna ang relasyon mo sa kaniya." Bakit gano'n? Bakit pakiramdam niya ay nagdudurugo ang puso niya habang binibitawan ang mga katagang 'yun? "Huwag mo lang talaga siyang palapitin sa'kin at gawaran ako ng mga insulto na wala siyang proweba. Dahil sinisigurado kong hindi ako magiging malambot sa kaniya." At hindi lang simpleng pagtulak ang gagawin niya baka mailibing pa niya ang babaeng 'yun ng buhay kapag siya'y naiinis ng husto.
Sa buong buhay ni Mia ay hindi siya kailanman nakakaramdam ng galit na kagaya ngayon. Uri ng galit na kay hirap pahupain. To the point na nakakapag-isip siya ng mga hindi pang-karaniwan na gawain.
Patawarin nawa siya ng kalangitan at naging basagulers siya.
Kagaya ng gusto niya ay walang imik na tumayo si Alexus at iniwanan siyang mag-isa. Saka lang siya napapikit at nakahinga ng maluwang nang hindi na niya ito nakita. "So, ano na ang susunod kong gagawin?" Tanong niya sa sarili kasabay ng pagpapahinga niya sa kaniyang ulo sa headrest. "Siguro ay hindi na ako kukulitin ng asawa kong 'yun at magiging matiwasay na rin ang araw ko." Saka naman pumasokwsa isipan niya ang situwasyon niya. Pilay pa naman siya at talagang napaka-ganda ng timing dahil isa siyang helpless. Tatalon nalang kaya siya sa dagat at maging sirena patungong Cebu?
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
Storie d'amoreHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...