Chapter 8: Reconciliation

360 42 0
                                    

Marahil ay tama nga yata ang nanay niya sa pagkakataong ito. Ipinanganak talaga siya na may saksakan ng malas. Isipin mo kung gaano siya ka-malas para makilala ang lalake na kagaya ni Alexus. Ano 'yun, maging mabait ito kahit kailan nito gusto? Maging clingy sa kaniya kahit kailan nito naisin? Tiyaka ngayon naman ay di-diktahan siya at gagawing sunod-sunoran nito kaya kahit gawaing bahay ay ipagka-kait nito sa kaniya? Bakit hindi nalang ito matuwa dahil makaka-tipid pa ito sa fees na babayaran nito sa mga katulong. 'Yun na nga lang ang libangan niya sa bahay ay ipagka-kait pa nito.

Napaka-selfish ng gago. Mas mabuti pa ngang umuwi!

In the seventh day na pag-stay niya sa bahay ni Alexus ay wala talagang matino na pagsasama na nagaganap. Pakiramdam nga niya ay para siyang ginagawang clown nito para magka-tao naman ang boring at malaki nitong bahay.

Tanghaling tapat, napaka-init pa ng panahon ay naglalakad si Mia sa kasagsagan na ka-maynilaan. Pagkababa pa niya sa bundok na daan ay agad na sumalubong sa kaniya ang ma-tao na daan. Marami siyang nakakasagupa, minsan pa ay may nakaka-bangga siya. Tiyaka hindi lang 'yun, napansin pa niya na nag-iisa lang ang bahay ni Alexus sa bundok na 'yun. Mabuti nalang at mataas ang stamina niya sa pag-takbo.

Nang makaramdam ng pagod ay napagdesisyonan ni Mia na tumigil sa isang abandoned building, para lang sumilong. Uhaw na uhaw din siya, pero wala naman siyang pera. Makasilong lang siya ng isang oras ay mawawala din ang pagkaka-uhaw niya.

---

"Boss, may bumaba na babae sa bahay ni Monteiro. Kukunin na ba natin?" tanong ng isang hindi kilala na tao habang nakatayo sa likuran ng nasasabi nitong Boss, na ngayon ay nakatingin sa susunod nilang bihag.

"Call your team and seize her. Looks like we have a very beautiful pawn to leash that fucking Monteiro." Nakangising sambit ng misteryosong lalaki. Nakiki-anig sa dilim ng silid at tanging liwanag na tanglaw sa screen ng malapad na TV ang nagbibigay sa silid ng liwanag.

"Masusunod, boss." At pumayo na nga ito at nagtawag ng kasamahan na ba-byahe para sa bagong misyon ng lider.

---

SA bahay ni Alexus ay nakatutok ang magkapatid sa harap ng laptop ni Alexus na hiniram ni Spade. It takes time pa dahil hindi personal na laptop ang hawak ni Spade at kinailangan pang mag-install ng kung anong device para malaya itong makapasok sa mga estasyon ng CCTV sa ka-Maynilaan.

Tumayo si Alexus at kumuha ng in-can na beer para mapalamig ang ulong bumibigat sa problem ana dala ng asawa niya. No, hired wife actually.

"I found her!" Padaskol na itinapon ni Alexus ang lata ng beer at nagmamadali na tinungo ang kinaroroonan ng kapatid.

"Where is she right now?" Nag-aalala niyang tanong.

"Nasa kalakip na metro road lang." Nakatitig si Alexus sa nakaupo na babae at mukhang pagod na pagod. Sa hindi malaman na kadahilanan ay kumuyom ang mga kamao niya. Binunot niya ang cellphone at tinawagan si Jeff.

"El Teresa street, you go fetch her." Without blinking his eyes off of the screen, a black van parked nearby the said building and a few men rushed towards Mia.

"She's doomed, kuya. Sino ang mga lalaking 'yan?" hindi ba't ito naman ang gusto niyang mangyari? Ang madakip si Mia para mailayo kay Denise ang kapahamakan? He shouldn't have asked his men to fetch her...

Hindi niya nakita ang nangyari dahil sa natatabunan ng itim na van ang CCTV. Basta ang sunod nilang nakita ay ang pagtakbo ni Mia mula sa mga taong tumangka na kumuha roon. Na siyang ikina-gulat niya. Tamang-tama naman ang pagdating ni Jeff at pinasakay si Mia sa kotse.

Fortunately, he breathed out in relief. Imbes na hindi naman dapat.

"She escaped, paano niya nagawa 'yun?" Nagtatakang tanong ni Spade na hindi niya rin alam kung papaano sasagutin dahil siya rin ay wala siyang alam.

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now