Nagising si Mia nang nasa tabi niya lang si Alexus. Naka-upo ito sa sahig at naka-dantay naman ang mga braso at ulo nito sa kama. Marahil ay napagod ito sa kaka-alaga sa kaniya. Something that embraces her heart dahil sa natuklasan niya. She never thought that he will see her the day she wakes up.
Inabot niya ang ulo nito at marahan na hinahaplos. He might be very strict and fierce, but look at him... he's here.
Ang napaka-guwapo nitong mukha ay dumi-depena pa kapag tulog. Kapag gising kasi mukhang warla, parating masungit at galit. I don't know kung bakit bigla siyang nagbago pero siguro... may kasintahan ito kaya't dini-distansya nito ang sarili. Sa guwapo ba naman ng mokong na 'to, himala nalang na walang girlfriend. Eh, mukha nga ring fuckboy.
Sa kaka-isip niya habang nakatingin dito ay napansin niya itong nag-mulat ng mga mata. "Good morning, Mister." Sa isang malalim na tinig at hugong ng umagang tono niya ay binati niya ito. Nakita pa niyang kumurap-kurap ito at kapagkuwa'y nag-kusot.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Are you alright now?" Tingnan niyo, hindi man lang siya binati ng pabalik. Pero at least maayos na ang pakiramdam niya. Mabuti nga't hindi siya nag-collapse sa sobrang sakit ng pakiramdam niya kahapon... Sandali.
"Maayos na ang pakiramdam ko. Kailan ka pa nandito? Hindi ba't nasa trabaho ka dapat? Bakit ang aga mo yatang umuwi?" Sunod-sunod niyang tanong na napatigil din kalaunan nang hawakan ni Alexus ang noo niya.
"There's nothing I wouldn't know. Tulog ka ng dalawang araw. Absent din ako ng dalawa at kalahating araw dahil sa pag-aalaga sa'yo. Imagine the golds I lost, my dear wife?" Kagigising niya lang pero sinalubong naman siya agad ng kasungitan. At dahil offended siya ay tumahimik nalang siya sabay iwas ng tingin. "Why are you silent? Hindi ba dapat may sasabihin ka sa'kin?"
Ano ba ang sasabihin niya? Na may pambayad siya sa mga araw na nasayan nito? Na may pang-ambon siya sa mga pera na naiwala nito habang inaalagaan siya nito? "I already said, thank you. Tiyaka wala akong pambayad sa'yo." Halata talaga ang accent sa boses niya. Accent ng pagka-bisdak niya. 'Yung English nga niya ay nag-mistulang tunog Bisaya na rin. Pero hindi naman siya nahiya. Hindi naman kasi 'yun big deal, ang importante may knowledge siya sa lengguwaheng ingles.
Alexus on the other hand is staring at her while she silently admitted her mistakes. Kahit hindi naman kailangan talaga. He was just kidding her and he never expected to see her affected. Perhaps, alam niya rin na wala itong pambayad kaya nga biro. "My brother is here. You should come down and meet him. Hinintay ka no'n na magising para makilala niya." He said timidly before going out of her bedroom.
Napaka-hina na rin siguro ng utak niya para hindi mag-sink in sa utak niya kaagad ang sinabi ng asawa niya. Ano raw? Nandito ang kapatid niya, at gusto akong makilala?!
Nagmamadali na bumangon si Mia at tumakbo papuntang banyo. Naligo siya at nagbihis ng matino na damit. Pero lahat naman ng damit niya ay oversize. 'Yung shorts na lagpas tuhod at ang shirt na hanggang kalahati ng hita niya. Nakapag-bihis lang siya tapos nakapag-suklay at nakapag-sipilyo ay handa na siya.
Lumabas siya sa silid niya at nadatnan si Alexus na may kasamang nagka-kape sa dining. Napa-ngiti siya nang masilayan na makisig at may balat pang-foreigner ang brother-in-law niya. "Mister, siya na ba ang sinasabi mong kapatid mo?" Makikita ang saya sa mukha ni Mia habang papalapit siya sa kinaroroonan ng dalawa.
Napalingon si Spade sa gawi ng asawa ng kaniyang kuya at ka-muntikan na nga niyang mabitawan ang baso niya, mabuti at ang panga at ang munay lang ang nahulog dahil sa may dyosa siyang nakita. Este, babae na napaka-ganda, pero... What's with her outfit? Binalingan niya ang kapatid niya.
"Yeah, he's my brother, his name is Spade." Pagpapakilala ni Alexus sa kapatid, kapagkuwa'y nilingon si Spade. But Spade's stares are judgmental. "What?" tipid niyang tanong rito na may naka-kunot na noo.
![](https://img.wattpad.com/cover/320951016-288-k147328.jpg)
BINABASA MO ANG
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...