MIA
Huminto ang sinasakyan namin sa harap ng isang dambuhalang mall! Umawang ang labi ko dahil pati kulay ng ilaw ng gusali ay ginto! Namamangha na nilingon ko 'yung lalake na kasama ko na kumidnap sa'kin kanina.
"Ano ang lugar na 'to?" Nagtataka ko rin siyang tiningnan dahil sa hindi ko alam kung nasaan kami. Maganda ang lugar at maraming tao na nagsisi-pasok at nagsisi-labasan.
"We're here in the Mall." Matipid niyang sagot. Namilog ang mga mata ko sa sobrang excitement.
"Pero bakit tayo nandito?" Tanong ko na imbes sagotin niya ay tinalikuran ako. Ang suplado naman no'n. Deadmahin ba naman ako. Humalukipkip nalang ako sa upoan ko dito sa magara niyang kotse. Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan sa aking gilid.
"Let's go." Pang-aaya niya samantalang ako ay napamaang. Nang hindi ako kumilos agad ay kinuha niya ang kamay ko at hinatak palabas sa kotse. "Don't tell me, this is also your first time in the mall?" Kalmado ngunit nang-uuyam niyang tanong.
Abala ang mga mata ko sa pagtiti-tingin. Pansin ko rin na mga sosyal ang kasuotan ng mga taong nagsisi-punta sa mall. Wala sa sariling napatingin ako sa akinh suot. Hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng hiya. Umiling nalang ako para hindi na pansinin ang sarili kong may baduy na suot. "I guess I shouldn't have asked you about that. You're too obvious."
Pumasok kami sa malaking entrance na gawa sa glass! At dahil bear months na ay marami akong nakikita na christmas decorations. Sa pagpasok pa lang namin ay nanginig ako agad sa lamig. "Ang lamig naman dito." reklamo ko at marahan na hinahaplos ang isa kong braso.
"It's natural. That can't be a question anymore." Nag-taas ako ng tingin sa kaniya at nakita na diretso lang ang tingin niya sa dinaraanan namin.
'Gosh, ang guwapo naman ng lalaki beh!'
'Nasaan? Hala! Oo nga! Ang guwapo, amp!'
'Mala Mr. Gray ang datingan, ang kisig pa!'
'Pero, te? May kasama eh.'
'Yaya niya ata 'yan, tara sundan natin!'
'Magka-hawak sila, may yaya ba na ka-hawal kamay ang amo?'
'Oo nga noh? Pero ang baduy naman kung girlfriend niya 'yan. Eww!'
'Pormahan pa lang ay nag-mukha ng tambay.'
'Sayang, ang guwapo talaga ni boy!'
'Kunan mo ng picture! Dali!'
Sa narinig ko ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak sa kidnapper kong mayaman. Napatigil siya sa paglalakad ng mapansin na bumitaw ako at nilingon ako. "Bakit ka bumitaw?"
Hindi ako sumagot bagkus ay nilingon ang mga kababaehan na sinabihan ako ng baduy. 'Ay, hala! Tiningnan tayo ng babaeng baduy beh!'
'Tara na, alis na tayo!'
Nagngitngit ang paningin ko sa kanila at agad silang sinundan. "Hey, where are you going?" Hindi ko siya pinansin at sinundan ang mga babae.
"Hoy! Kayo!" sigaw ko at hindi ko ipagkaka-ila na nakaagaw nga 'yun ng atensyon. Bumibilis ang lakad nila kaya't tumakbo at hinarangan sila. "Sino ba kayo para laiitin ako? Kayo ba ang nagpa-kain sa'kin? Nagpa-laki sa'kin? Kung makapag-salita kayo ng baduy ay akala niyo napaka-ganda niyo rin ah!" turan ko sa kanila habang tinitingnan sila mula ulo hanggang paa.
"Wife, what are you doing?!" Asik ng guwapo kong kidnapper na patuloy pa rin akong tinatawag na asawa niya nang makalapit sa'kin at pinigilan ako. "Pasensiya na--" tangka pa nga sanang humingi ng pasensya. Tinabig ko siya.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomantizmHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...