twelve

2.9K 72 0
                                    

Kurt's POV

"Kurt may problema tayo... " biglang sabi naman ni Nathan.

Abala lang naman ako sa pag-iisip at mukhang yung iniisip ko din ng ibabalita nyang problema

"alam ko na.. kailan at san daw ba?"

"dun daw sa place kuno nya.. tss.. yabang talaga" sabi naman nitong so Brix

"kailan nga?" dami pang satsat eh

"ikaw na daw ang bahala kung kelan mo daw gusto..." seryosong sagot naman ni nathan

Tumango na lang ako dahil napansin ko ang mata ni Brix, may sinesenyas sya na nakuha ko rin naman.

May parating ...

"hep hep hep!! Bakit kayo tumigil? Ano ba yang pinaguusapan nyo na yan?? ha??" si Natsumi pala

"aba pake mo ba?" malamyang sagot ko

pakialamera tong babaeng to talaga..

inirapan lang ako ni Natsumi pagkatapos ay umalis na rin naman. Mga babae talaga.. Tsk tsk

Masyadong pribado kung anong pinag-uusapan namin kanina. Naalala nyo pa ba ang dark gang?? yeah.. naghahamon na naman sila kasama ang bago nilang lider na pinsan ni Trent..

mapaghiganti talaga ang gang na yun.. at ang gusto may pustahan pang maganap...

saka lang daw namin malalaman ang pustahan kung tatanggapin namin ang hamon...

at ngayon nga pinag-iisipan namin iyun..

"oh ano?? tatanggapin ba natin?" naiinip na tanong ni Brix

Tiningnan ko lang naman sya ng masama. Wari'y naintindihan naman nya na wala syang karapatang mainip.

"hayy.. yun kase ang pinsan ni Trent!! ang pinsan nya na dating gangster king... parang di natin kakayanin" sabi naman ni Nathan

Tama... Isang dahilan kung bakit nag-aalinlangan ako dahil sya ang dating gangster king ang pinsan ni Trent. Kaya gustong gusto ni Trent na maging gangster king din...

Naging gangster king ako kase natalo ko ang pinsan nya noon sa isang laban kung saan ang title nyang gangster king ang kapalit...

Masasabi ko namang hindi tsamba yon at alam kong matatalo ko muli sya, alam ko ang kakayahan ko. Pero iba kase ngayon. Alam kong hindi biro ang gusto nyang kapalit.

Nararamdaman kong may masama syang balak. Pero kailangan kong lumaban.

"natalo ko sya noon kaya alam kong matatalo ko rin sya ngayon.." sabi ko na lang at alam kong alam na nila na pumapayag na ko

Tumango na lamang sina Brix at Nathan

It's the right decision... I guess...

---------------------------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

My Imbecile Fiancee (KathNiel)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon