twenty-five

3.3K 66 5
                                    

8 years later..

Nathan's POV

"Pare!" tawag ko kay pareng Quen. Yes, kaibigan na namin sya ngayon though noong una rival sya ni pareng Kurt...  Ka-gang na namin sya ngayon..

Nawala siya saglit sa school dahil inasikaso daw nya ang company nila.. Responsable talaga tong si pareng Quen

"Oh bakit pare??" tanong nya

"Sabi ni boss Kurt punta na daw tayo sa fron cemetery..."

Tumango naman Ito at sinabihan na din sina Brix,Kaisha, at Andrea...

Anyway...  Sa walong taong nag exist pa kami sa mundo..   Nagpakasal na sina Kaisha at Brix...  Going strong sila with their baby boy Kairix...

Syempre kami din ni babe Andrea ko kasal na with our cute baby girl Narea.

Dumaan lang ang mga taon ng napakabilis.

Si Kurt naman ay....

Speaking of Kurt tinatawagan nya ko as of the moment kaya naman sinagot ko agad.

"Asan na kayo?"

"Pare nandito na kami" sagot ko naman...

"Antayin nyo kami ni Jerome dyan.."

At pinatay na nya ang tawag. Walong taon ang lumipas pero ganon pa rin ugali nya kapag may katawagan sa telepono gusto nya lagi sya ang unang magbababa.. Hayss.

Tanggap naman namin sya kahit ganon sya. Hahaha

"Guys! Antayin daw muna natin sila Kurt bago ang lahat..."

Sigaw ko sa kanila at umupo muna kami sa may kubo dito...


Jerome's POV

Magkasama kami ni Kurt ngayon...naging magtropa kami ni Kurt simula nung.....

But out of the blue nagtanong sya sakin

" Jerome...  Siguro mahal na mahal mo Siya noon pa?"

I know he's referring to Natsumi.

"Syempre..  Simula pa nung  magkakilala kami mahal ko na sya..pero di ko na nasabi... Umeksena ka kase" I said confidently habang natatawa tawa pa

"Haha..  Ambading pare" natatawa din namang sagot ni Kurt

"Pero pwera biro.... Nagselos ka no?  Aminin mo na.. Nainggit ka din sa kgwapuhan ko..."sabi ko ng mapangasar

He just give me a death glare

"OK chill pare, alam ko naman na sayo lang si Natsumi" sabi ko

Hindi na kami nag imikan at pumunta na sa Fraen cemetery...


Kurt's POV

Andito na ang lahat at ngayon nagaalay na kami ng bulaklak sa pagkamatay

Ni...












Fifi ang asong inalagaan namin ni Natsumi.. 5th death anniversary ni fifi ngayon at eto inaalayan namin sya ng bulaklak dahil mapapatay kaming lahat ni Natsumi kung di namin sya susundin na dalawin namin ngayon si fifi..  Napakahalaga kase ng aso na to sa kanya..

Anyway.. Oo buhay si natsumi.. Na coma sya ng 1 year..  At sa loob ng isang taon na ito araw araw ko syang binabantayan..  Dun na ko tumira sa hospital na tinuluyan nya, umaalis lang ako pag papasok na...

Sa loob ng walong taon ang daming nangyari... Nagkasundo na kami ni Enrique, nung napagdesisyunan na naming magkasundo ay pinag usapan namin kung pano nga ba nagsimula ang pag aaway namin.

Natawa na lang kami noong maalala na dahil lang pala sa laruan noong mga bata kami.

Yes... Magkababata kami noon. Malalaki na kami kaya siguro naman ay time na para putulin ang galit o inggit namin sa isa't isa

Kami naman ni Jerome, hindi naman talaga kami magka-away pero dahil gusto namin ang iisang babae ayun dun nagsimula ang di pagkakasundo.

Naging magkasundo kami noong inaalagaan ko si Natsumi sa ospital. Hindi rin sya nakakalimot dumalaw kada linggo. He's the bestfriend afterall

Kaya nung nagising na si Natsumi naayos na din kaming dalawa. Binigay nya samin ang basbas nya.

Well I feel but for him kase di na nya nagawang aminin kay Natsumi ng nararamdaman nya... Pero sya ang nagpumilit na wag na kase kaya naman daw nya..  Magmomove on sya.. Sinabi ko na maiintindihan naman sya ni Natsumi pero pinili na lang nyang itago iyon.

Love is selfish, I guess. Kapag naramdaman mo na ang salitang yan kaya mong maging selfish sa kapwa pati na sa sarili mo.

Sa dami ng taon na lumipas andami kong natutunan...

Ngayon 7 years na kaming kasal si Natsumi at meron na kaming little boy, si Natsu at ngayon nga pinagbubuntis nya ang aming baby girl...

Nagsi-alis na kami sa cemetery at nagkanya-kanya na ng lakad.


To be continued

---------------------------

ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя

My Imbecile Fiancee (KathNiel)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon