Jerome's POV
Hinintay kong makapasok sa bahay nila si Natsumi... masaya ako dahil nakakasama ko sya kahit sa maikling panahon lang. I really want to be with her all day pero paano? kung alam kong nakikihati lang ako sa oras nya.
Matagal na panahon ko na ring tinatago ang nararamdaman ko na minsan ay dinadaan ko na lamang sa biro. I think love is sacrifice. If you really love the person you'll sacrifice your own happiness para sa kanya.
Napagpasyahan ko ng umalis at paaandarin ko na sana ang kotse nang may narinig akong nabasag mula sa bahay nina Natsumi..
Iba ang pakiramdam ko, hindi iyon basta nabasag,
dali dali akong pumasok sa bahay nina Natsumi at... nagulat ako ng ibabato na ni Kurt ang isang bote ng alak
"What the hell are you doing?!" sigaw ko kay Kurt pero hindi sya natigil at akmang ibabato pa rin ang bote kaya dali-dali kong niyakap si Natsumi...
"Umalis ka jan!.. Wag kang makialam dito!" galit na sigaw ni Kurt
umiiyak na si Natsumi... ininda ko na lang ang sakit ng boteng ibinato ni Kurt...
"ayos ka lang ba bes? umalis ka na.. Ako na ang bahala dito...." Bulong ni Natsumi sakin pero di ako nakinig. Hindi ko sya iiwan at kung aalis man ako isasama ko sya. Ilalayo ko sya kay Kurt.
"Wag kang makialam dito..!!!!" muling sigaw ni Kurt
naramdaman ko na may binato ulit syang bote ..
"please.. umalis ka na bes...ayokong madamay ka dito.." Muling pakikiusap ni Natsumi
"hindi.. hindi kita iiwan natsumi..." mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya...
patuloy lang ang pagbato ni kurt...
"bes.. please umalis——" hindi natuloy ni natsumi ang sasabihin nya
Hinila ni Kurt ang kwelyo ko kaya napabitaw ako sa yakap kay Natsumi, mabilis nya kong sinuntok... Hindi na ko nakalaban dahil hinigit ni kurt si Natsumi palayo sakin.. at dali dali nya itong hinila papunta sa itaas...
nakito ko naman na nasasaktan si Natsumi kaya lalapit na sana ako ng makita kong tumingin sakin si Natsumi...
umiling ito na sinasabing wag na akong lumapit.. ngumiti sya na sinasabing okay lang sya kahit hindi naman...
Gusto kong lumapit at iligtas sya pero.. pero wala akong lakas... dahil wala naman akong karapatan..
hindi na ako nagpumilit at umalis na sa bahay nila...
Wala na akong magagawa.. Pero hanggang ngayon hindi ko matanggap na may fiancee na si Natsumi.. Kung sana sa pamilya na lang namin nakipagmerge ang pamilya nila at ako ang naging fiancee nya edi sana hindi siya nasasaktan ng ganon..
di ko maiwasang magalala kay Natsumi, ayokong makialam... pero sobra na to...
tandaan mo Kurt.. pag may nangyaring masama kay Natsumi...
Ako na mismo ang maglalayo kay Natsumi mula sayo..
---------------------------
ιαмαƒαвυℓσυѕαυтнσя
BINABASA MO ANG
My Imbecile Fiancee (KathNiel)-COMPLETED
RomanceShe's rich but i'm richer I'm Smart unlike her She don't have friends I have many I'm a bad boy she's an idiot I'm a gangster and she's a slowpoke what if she will be my fiancee? oh, i mean my imbecile fiancee... Imbecile means.. stupid or a slowpok...