Hindi pa ako nakakapag move on sa mga nangyari kahapon pero pumasok pa din ako. Pinagtataka ko paano nakalusot ang mga lalaking yun dito? Are they just a gang sa kanto kanto? Pero bakit parang hindi? Whats with them? Sino ba talaga si Clyde ,yung Andrew at yung Raven na iyon?
Nabalik ang isip ko sa kasalukuyan ng may asul na paperplane na lumanding sa tabi ko.
--Smile ka naman diyan oh. Tingnan mo itsura mo, problema mo sweetheart?--
Sa baba ng sulat ay may sketch ng mukha ko. Seryoso at malalim ang iniisip.
I am amazed nagkastalker talaga ako? He's an artist? Di kaya kaklase ko lang to?!! Tsss...
Inipit ko ang papel sa sketchbook ko kasabay ng unang blue paperplane na natanggap ko. Nag iwan ako ng papel sa kinauupuan ko at lumayas na.
--NONE OF YOUR BUSINESS---
--------
Nasa library ako at kasalukuyang nagpalalipas oras sa pagbabasa. Pero alam niyo ba yung nagbabasa kalang pero ayaw magsink in sa utak mo dahil may iba kapang iniisip at babalikan mo na naman yung part na di mo naintindihan. BASTA!!!
"May sira ba mata mo? Bakit ang lapit lapit naman ng libro sa mukha mo."
"Wala kang paki----aaaah!!!" Sabi ko sabay baba ng libro at kinagulat ko nasa harap ko pala ang nagsalita at ang lapit lapit niya sa mukha ko.
Umatras ito at tumawa.
"OBSERVE SILENCE PLEASE!!!" Sita ng librarian.
"Bakulaw ka. Pervert! Pangit! Tae ka!!!" Hindi ako sumigaw pero tamang tama lang na marinig nito.
"Whoaw keep calm baby!" Ngiting ngiti parin ito.Napansin kong wala siyang pasa ni bahid ng pambubugbog. Kitang kita ko kahapon ang dami niyang pasa at may sugat siya, dumugo pa nga labi nito.
"You want to kiss it? Do what you please it would be a pleasure for me too."Ngumiti ito ng nakakaloko. Napasapo ako sa aking mukha. Oh my gulay! Nakatitig pala ako sa labi niya!!
"It's not what you think it is!!!" Angal ko.
Tumawa ito. "I'm just teasing you. Ang cute mo kasi!"
Batukan ko to mamaya eh!!!
"Nagtataka lang ako bakit wala kanang mga pasa , ni galos wala din? Ni bahid ng---
"Thats the power of a great mind."
"Ha???ang layo naman ng sagot mo!!"
Natawa na naman ito.
"Thats the power of a great mind. Thanks to yuki's inventions."
"Ha??? Is that even possible??" Nag isip isip ako. TEKA THERE'S SOMETHING WRONG HERE!!!! "Why am i talking to you!! Tsss bye!!" Tumayo ako pero bigla niya akong hinawakan sa kamay. Bigla kong naalala si Jonas!!! Shoooot!!!
Inagaw ko ang kamay ko. Pero hinila niya naman ako sa braso at lumabas kami sa library.
Oh my!!! The RULE!!!
Rule no.1 Be strong
2 Don't let them see your weakness
3 Don't let your guard down
4 Don't let fear overcome you
5 Don't depend on anyone else or else you lose
6 Revenge
7 Never trust anyone
8 You can be an island!!
9 Be wise
10 DON'T fall inlove or else... GAME IS OVERIlang rule ko na kaya ang nabreak ko??
------
Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng madadaanan namin. Itong bakulaw nato makapang blackmail ba naman urghhh...
![](https://img.wattpad.com/cover/29740470-288-k155351.jpg)