Chapter 2

9.9K 241 13
                                    



Chapter 2
Cinema

Ano bang magawa?

Dalawang oras ng nakahiga sa kama si Layla at iniisip kung anong gagawin niya. Pagkatapos kasi niyang kumain, dumaretsyo na siya sa kwarto dahil wala siyang gagawin ngayong araw. Isa pa, mainit parin ang ulo ng mga tao sa bahay nila at walang imikan habang kumakain sila ng umagahan kanina.

"Maaya nalang yung dalawa." aniya tsaka kinuha ang telepono na nakapatong sa tabi niya. Binuksan niya yon at hinanap ang group chat nila ng dalawa.

GC WITH THE SUNGITS

Napairap sa hangin si Layla ng mabasa ang pangalan ng group chat. Alam na alam niyang si Austine ang nagpalit non.

MsGanda: May ginagawa kayo?

Walang pang isang minuto ng isend niya yon ay sabay na sumagot ang dalawa sakaniya.

MrSungit: Nope. I don't have anything to do today.

Epal: Wow, hindi na siya masungit. Wala naman. Boring nga dito sa bahay wala akong maaway, wala si Agustine.

Natawa si Layla ng makita ang nickname ni Austine. Hindi siya ang naglagay non kaya siguradong si Harvey sng nag palit. Bagay naman sakaniya.

MsGanda: Do you guys want to watch movies? Nakakabored dito sa bahay.

Walang pag aalinlangang sumagot agad ang dalawa.

MrSungit: Sure. What time?

Epal: G ako! Palabas na ata yung minions ngayon diba?

MsGanda: Really Austine? Minions? Ano ka grade 1? Bababa Babanana😂

Napuno ng tawa nila Harvey at Layla ang group chat na ikinatahimik naman si Austine.

MrSungit: How about the hunted house? Palabas narin yon diba?

MsGanda: Omg yes! Yun nalang. Kita tayo mga 10am. Maliligo pa ako.

MrSungit: See you.

Epal: Hoy minions nalang.

Epal: Guys!

Epal: Hoy minions nalang maganda naman yon ah?

Epal: Woy!







"Ang tagal mo. Kulang nalang last showing na tayo." reklamo ni Layla kay Austine na kakarating lamang.

Kanina pa kasi sila nag hihintay ni Harvey sa harapan ng bilihan ng ticket para sa movie at mag aalas onse na dumating si Austine.

"Sorry naman. Sila ate kasi nag pilit, sasabay daw papunta dito at mag gagala daw sila." hinihingal nitong sabi dahil sa pagtakbo.

Napatintin si Layla at Harvey sa likuran ni Austine at nakitang nag lalakad papalapit sakanila ang dalawang ate nito. Sina Farah at Apple.

Between My Two BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon