Chapter 16

5K 77 11
                                    



Chapter 16
Date

I was talking to Harvey when the bell rings. Tapos na pala ang klase namin, Hindi ko man lang napansin at puro chikahan kaming tatlo nila Austine at Harvey pero may naintindihan naman ako ah. Ganon talaga, pag sasabayin ang pakikinig at pag chika.

Patayo na sana kami ng upuan ng mag salita ang teacher namin at pinabalik kami sa pagkakaupo, May iaannounce daw siya.

"I have an announcement to make, Everyone quiet." natahimik kaming lahat at napatingin kay Miss.

"You will be having a senior night." Agad nag hiyawan ang mga kaklase ko sa saya at kasabikan. Natigil naman sila sa pagsita ng guro namin.

"Quite! Ano ba kayo! Parang mga ngayon lang makakaranas." Natahimik lahat sa pag sigaw ni Miss. "The Senior night will be in 2 weeks. Yes in 2 weeks kaya ngayon palang ay gawin niyo na yang mga proposal proposal niyo na yan." Nakita ko pa ang pag irap ni Miss. Bitter porket walang jowa.

"The theme will be Masquarade ball." Dagdag ni Miss na nakapagpahiyawan nanaman sa mga kaklase ko. Kaniya kaniya bulungan na ang mga lalaki kung sino ang aayain nila.

Masquarade? Kailangan mga naka-maskara pa? Sounds fun dahil hindi niyo makikilala ang isa't isa pero hindi ko parin sigurado kung pupunta ako.

"That's All, Don't forget your school works. Class dismissed." Unahang nag tayuan lahat sa sobrang excited sa balita ni Miss. Ang mga lalaki ay kaniya kaniya ng usapan kung paano aayain ang mga babae nila at ang mga babae naman ay nag uusap usap na sa susuotin nila.

Pag labas ng klase, Napatigil ako ng makitang parehong nakatingin sa akin ang dalawa at parang nag aantay. I know why Harvey's waiting, Noong linggo kasi dapat lalabas kami tulad ng ginawa namin ni Austine, Ang kaso ayaw pumayag ni Papa. Kahit anong pilit ko o pilit ni Mama ay ayaw niya pumayag kaya hanggang ngayon nag tatampo ako kay Papa. Hindi ko parin siya pinapansin.

"Tara na." aya ni Austine. Napagusapan kasi namin na si Harvey ang susundo sa amin ni Logan tuwing umaga at si Austine naman ang mag hahatid sa amin pauwi. Lagi kasi silang sabay na pumupunta sa bahay para sunduin ako at hindi naman ako makapili kung kanino sasabay kaya ganon nalang ang ginawa namin.

Napatingin ako kay Harvey na napatingin kay Austine bago ibalik sa akin ang tingin sa akin na parang inaaya narin ako umalis.

Tinignan ko Si Austine na nag aantay sa akin. "Austine kasi...May project kami ni Harvey ngayon." Nakita ko ang pag laho ng ngiti sa labi niya bago sulyapan si Harvey at ibalik sakin ang tingin.

"Yeah, Sure. Si Logan nalang isasabay ko." aniya. Tinanguan ko siya at pinasalamatan. Hindi nakatakas sa tingin ko ang may samang tingin niya kay Harvey bago tumalikod at umalis.

"Tara?" bumilis ang tibok ng puso ko at bumaba ang tingin sa kamay ni Harvey na nakalahad sa akin at inaantay ang kamay ko. It's ok right? To hold his hands? Hawak lang naman. Binigay ko ang kamay ko bago niya ako hilahin papunta sa parking lot at pumasok sa kotse niya. Nag antay kami ng ilang minuto para isabay sa amin pauwi si Hayley.




"Oh, Layla." pag pasok namin ng bahay nila Harvey, Sumalubong sa amin si Tito Haze na nanonood sa salas nila.

"Good afternoon po, Tito." Bati ko at nag mano sakaniya.

"How are you, Layla? May project kayo?"

"Ayos naman po. Opo may tatapusin lang pong project." Tumango si Tito sa akin tsaka kami pinayagang umakyat sa study room nila. Ang sabi ni Tito ay padadalahan nalang kami ng miryenda sa kasambahay nila dahil paalis sila ni Tita at sila daw ang mag ggrocery.

"Yung huling paper nalang naman tayo noh?" Tanong ko kay Harvey pag pasok namin ng study room nila. Binaba ko ang backpack ko sa lamesa at unang naupo. Lagi kami ditong tumatambay nila Austine dati pag maaga ang uwian or pag may project kaming tatlo.

Between My Two BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon