Chapter 5

8.7K 178 35
                                    



Chapter 5
Pads

"I'm sorry. Please tell me paano ako makakabawi."

Napabuntong hininga ako ng tanungin nanaman ako ni Harvey sa pang anim na beses. Nasa lab kami ng school at hindi ako makapag focus sa klase dahil kanina pa ako kinukulit nito. Kanina pa siya nag sosorry at nangungulit kung paano daw siya makakabawi. Ilang beses ko ng sinabing wala naman siyang kasalanan at hindi naman kailangang bumawi pero ayaw tumigil nito.

"Tsk, Ewan ko sayo. Kanina ko pa sinasabi, hindi nga kailangan yon." bulong ko habang kinokopya ang nakasulat sa white board. Nasa kanan ko si Harvey at nasa kaliwa si Austine.

"Kahit na, kasalanan ko padin. Dapat hindi na kita pinapunta non." sising sisi niyang sabi.

It's been 2 days mula nung nanood akong practice niya at ngayon lang din nagkapasok dahil ngayon lang tumila ang ulan. Ang benda naman sa noo ko ay tinangal ko nadin pero may maliit pang sugat doon.

"Shh, Mag sulat ka nalang." sinensyasan ko itong tumahimik bago bumalik sa pag susulat. Nakita ko sa tabi ng mata ko na nag simula na itong mag sulat. Si Austine naman at nakita kong nag dodrawing lang sa likuran ng notebook niya. As usual.

Habang nakikinig sa klase, pumalumbaba ako sa lamesa dahil inaantok ako. Ang tagal naman kasi. Tatlong oras ang klase namin dito at nakakaantok mag turo ang teacher na to. Pakopya ng pakopya eh hindi naman pinapaintindi samin.

Nilalabanan ko ang pagpikit ng mata ko hanggang sa lumipas ang isang oras at matapos ang klase.

"Class dismissed." Sabi ng teacher namin na nakapagbulungan ang iba naming kaklase. Pati ang mga ito ay bored na bored na.

Niligpit ko ang lamesa ko at inayos ang bag bago tumayo. Alas tres na ng hapon at ito narin ang huli naming klase kaya uwian na.

Habang ibinabalik ko ang silya ko sa ayos, nagulat ako ng biglang may yumakap mula sa likuran ko. Pag lingon ko ay si Harvey.

"Hoy." Siniko ko ito dahil nakita kong nakatingin na sa amin ang iba naming kaklase na nag bubulungan pati narin si Austine na seryosong nakatingin samin.

"Don't move." Aniya.

"Ano? Pinagtitinginan na tayo." sabi ko tsaka muling gumalaw para kumawala sa yakap niya pero mas hinigpitan nito ang kapit sakin.

"Shh, Don't move. You have a stain on your skirt."

Stain? Anong stai-

Shit!

Shit Shit Shit

May tagos ako?

Parang bigla kong gustong magpalamon sa sahig na kinatatayuan ko sa mga oras na to dahil sa hiya. Ito talaga ang pinakakinatatakutan ko eh, Ang matagusan sa harap ng ibang tao dahil nakakahiya talaga.

"H-Hala..." hiyang hiya kong sabi bago hilain ang upuan ko at bumalik sa pagkakaupo don. Ramdam na ramdam ko ang paginit ng mukha ko at alam kong sa mga oras na to'y pulang pula na ang mukha ko.

Nanatiling nakatayo sa harapan ko ang dalawa habang ako'y nakayuko sa sahig. Nang maubos na ang tao sa klase, may kinuhang hoodie si Austine sa backpack na dalawa niya at inutusan akong tumayo.

"A-Ayoko...Nakakahiya." naiiyak akong umiling sakanila. Kaya pala antok na antok ako kanina pa at ang sakit ng puson ko.

"It's fine. Tumayo ka na and put this on your waist para matakpan." Inalalayan ako ni Austine patayo at tsaka ko itinali sa bewang ko ang hoodie niya.

Between My Two BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon