Chapter 17
PromBukas na ang prom namin pero heto kami ni Mama at nag iikot para mag hanap ng susuotin ko. Sa dami ng napuntahan naming boutique shop mula noong isang araw, wala akong magusto-gustohang damit.
"Anak ano bang gusto kulay para iyon na ang hahanapin natin. Nahihilo na ako kakaikot." halata ang pagod sa mukha ni Mama habang nag lalakad kami papunta sa huling boutique na mapupuntahan namin. alas otso palang ng umaga kanina inaya na agad niya ako lumabas at mag Aalas kwatro na ngayon pero hindi parin kami nakakauwi.
"Hindi ko rin po alam Ma. Pahinga po muna tayo mukhang pagod na pagod na kayo." aya ko pero umiling siya. alam ko namang sanay si Mama sa ganito dahil sobrang hilig niyang mag shopping.
"Hindi na. Puntahan na natin yung huling tindahan para makahanap na tayo ng isusuot mo. Your prom is tomorrow Layla. Dapat nga ay nag papahinga ka nalang ngayon."
Nang marating namin ang boutique, sinalubong kami ng may ari non na kakilala pala ni Mama. Agad niya kaming iginaya papunta sa mga gowns at ipinakita kung ano ang mga bagong dating.
"Layla? Tita Jessy?" napalingon kami ni Mama ng may tumawag sa amin. It's Ate Farah! May dala siyang dress at mukhang namimili din.
"Farah! You look so good." bati ni Mama ng lumapit si Ate at bumeso sa amin. Ngayon ko lang ulit siya nakita mula ng mag singapore kami.
"You look so good too, Tita. Parang hindi tumatanda." napatawa ako ng mag bolahan pa silang dalawa. Feel na feel naman ni Mama.
"Are you here for your prom dress?"
"Yes ate. Wala pa po kaming nahahanap eh." sagot ko sakaniya. si mama naman ay nauna ng mag ikot sa boutique at iniisa-isa na ang mga gowns.
"Can i join you? Pwede ba akong tumulong sa paghahanap?" Tanong ni Ate.
"Oo naman po, Ate. Hindi ka po ba busy?" umiling siya sa akin.
"Nope. Bumibili lang akong regalo para kay Apple. Nasabihan ka na ba ni Austine?" Oo nga pala at mag bibirthday na si Ate Apple. Naimbitahan narin ako ni Austine noong isang araw nakalimutan ko lang na bangitin kila Mama.
"Opo naimbitahan na ako ni Austine. Pupunta kami nila Mama."
Binayaran lang ni Ate Farah ang regalong binili niya kay Ate Apple tsaka sumama sa amin ni Mama pag iikot. Tahimik lang akong nakasunod kay Mama dahil siya ang namimili ng lahat. Apat na gown ang dala namin ng pumunta kami sa fitting room.
The first gown was color yellow. Maayos naman iyon pero hindi ko lang gusto ang kulay sa balat ko. Second one was color red. I like how it fits my body pero masyado daw malalim ang cut sa may dibdib sabi ni Mama. Ang pangtatlo ay kulay pink. Iyon na sana ang gusto ko kaso nga lang ay malaki sa akin at wala ng ibang size. The last one at ang napili naming tatlo nila Mama at Ate Farah ay ang kulay blue na dress. Ang sabi ni Ate ay bagay na bagay daw sa kulay ng balat ko ang pagka-blue ng gown.
"Finally. Akala ko'y hindi ka aabot bukas sa tagal mong mamili ng damit 'nak." sabi ni Mama habang nag babayad kami. Nang makuha namin ang paper bag, lumabas na kami ng boutique nila Ate Farah.
"Farah come with us. Let's eat early dinner." aya ni Mama.
"Tita i would love to po sana kaso may date po ako eh." parang kinikilig pang sabi ni Ate bago siya nag paalam na mauuna na. Kami namna ni Mama ay bumili nalang ng take out foods para iuwi sa bahay at doon kainin kasama sila Papa.
"Nuks, Mukhang tao ngayon ah." malakas kong binatukan si Logan na nangaasar nanaman. Kakalabas ko lang ng kwarto dahil pinasundo ako ni Mama kay Logan. Nasa baba na daw kasi si Harvey. It's 6pm at hanggang 1am ang prom namin.
BINABASA MO ANG
Between My Two Bestfriends
RomanceLayla Villega, A 17 years old senior highschool girl na makulit, maingay, matakaw pero masipag sa pag aaral. She has two handsome bestfriends named Austine and Harvey. Bata palamang sila ng maging magkakaibigan. Masaya, Magulo at puno ng asaran and...