Chapter 18
Debut"Happy birthday, Layla!"
"Happy birthday, Ate. Have a great day!"
"Happy birthday po."
"Happy birthday Lodz."
Nakangiti akong nakaupo sa kama ko habang isa isang binabasa ang mga text at chats na bati sa akin. Some are from my friends, Some are from my cousins at meron ding mga galing sa mga kaklase namin. Nasa kalahating oras na ata akong nakaupo dito at isa isa silang nirereplyan.
"HAPPY BIRTHDAY!" halos mabato ko na ang telepono ko ng biglang bumukas ng pabaldag ang pintuan ng kwarto ko at sumigaw ng malakas ang siraulo kong kapatid. He's wearing his pajamas and a birthday hat on his head while carrying a cake. Kasunod din niya papasok sina Mama at Papa.
"Birthday na birthday mukhang sabog." See? Ganyan kasama umagali ng kapatid ko. Birthday na birthday ko din ganyan ang bungad sa akin. I showed him my middle finger pero agad ding binawi ng panlakihan ako ng mata ni Mama.
"Happy birthday, my princess." Naunang maupo si Papa sa tabi ko sa kama at hinalikan ako sa noo.
"Thank you, Papa." Niyakap ko siya sabay hilig sa dibdib. Naupo si Mama sa kabilang tabi ko bago ako batiin at sumali sa yakap namin ni Papa.
"Ah hindi mahal. Ampon ka lang talaga eh. Napulot ka lang daw sa kanal." Nangaasar kong tinawanan si Logan na naiwang nakatayo sa paanan ng kama ko hawak hawak ang cake. Asar niyang hinipan ang kandila ng cake ko at agad iyong kinagatan.
"Hoy! Hindi ko pa na bblow!" dinilaan niya lang ako at tinuloy ang pagkagat daretsyo mismo sa cake. Kadiri talaga!
"Tama na, Tama na. Ang aga aga niyo nanamang magkapatid." pigil ni Mama sa amin. "You should get up now, Layla. Maya maya lang ay padating na ang glam team para ayusan ka. Enjoy your day ok?" Tinanguan ko si Mama tsaka sila binigyan ng halik ni Papa sa pisnge. Nang makalabas sila ng kwarto ko, Nag simula na akong kumilos at naligo.
"Gorgeous!" napangiti ako ng makita ang sarili ko sa harapan ng malaking salamin ng kwarto ko. I'm wearing a simple baby pink sparkly gown. Nasa likod ko sina Mama at ang dalawang babaeng nag ayos ng make up at buhok ko.
"You look so pretty, Anak. Did you like your gown?" Tanong ni Mama dahil hinayaan ko na siyang pumuli ng gown ko.
"Yes, Mama. I love it."
Tinapos nila ang pag aayos sa akin bago kami bumaba. Nakaayos narin sina Papa at Logan sa baba. Gagawin ang debut ko sa isang hotel na hindi naman kalayuan sa amin. Ang iba naming kamag-anak at kaibigan ay doon na nag stay ng gabi sa hotel. Hindi ko na nga alam kung gaano kadami ang bisita dahil si Mama narin ang hinayaan ko doon. Alam kong masaya si Mama sa pag aayos ng mga ganito kaya hinayaan ko na siya.
Habang nasa kotse kami, Tahimik lang akong nakaupo at sumasagot parin saga text messages na bati sa akin. Last night, I stayed up till midnight para salubungin ang birthday ko at as usual, Sina Austine at Harvey unang tumatawag sa akin para batiin ako. Ang pinagkaiba lang, dati sa groupchat namin sila natawag para sabay nila akong mabati, ngayon ay kaniya kaniya nalang silang tawag sa akin.
"Sino sino po ininvite niyo, Ma?" tanong ko.
"Family members, Family friends, Your school mates and some business friends anak. Don't worry, Siguradong nag eenjoy ka lalo na sa regalo ng kapatid mo." Nag dududa naman akong napalingon kay Logan na siyang nakaupo sa tabi ko. Ngingisi ngisi siya sa akin.
"Baka kung anong katarantaduhan yan, Logan ah." pagbabanta ko sakaniya. The last time na may regalo siya sakin, Halos kutusan ko na siya buong araw sa inis. Binigyan niya ako ng regalong napakahirap buksan at nang mabuksan ko ay puno iyon ng gagamba. Hindi lang iyon, Bago mangyari yon ay nag aya siyang kumain sa labas kasama ang ilan naming pinsan at manlilibre daw siya. In the end, Wala naman palang dalang wallet at ako din ang nag bayad
BINABASA MO ANG
Between My Two Bestfriends
RomanceLayla Villega, A 17 years old senior highschool girl na makulit, maingay, matakaw pero masipag sa pag aaral. She has two handsome bestfriends named Austine and Harvey. Bata palamang sila ng maging magkakaibigan. Masaya, Magulo at puno ng asaran and...