Chapter 7

6.9K 159 11
                                    



Chapter 7
Fun Week 1

Fun Week

Yan ang sumalubong sa amin nina Austine at Harvey pag dating namin sa eskwelahan. May malaking banner na nakalagay sa harapan ng school at ang mga estudyante'y nag kakarami na.

"This is gonna be fun. Mukhang mas maraming booths ngayong taon." Sabi ni Austine tsaka nag ayang pumasok.

Pag pasok namin, Punong puno ng ingay ng mga estudyante ang hallway. Halo halo ang mga estudyante. May elementary, May highschool at kaming mga senior high. Nag lakad kami papunta sa likuran ng school kung saan laging ginaganap ang fun week.

"Woah." Nagulat ako sa dami ng booths pag dating namin sa likod ng school. Di hamak na mas madami ang booths ngayon kaysa noong mga nakaraang taon.

Madami ang estudyanteng nag lilibot sa mga booths. Ang iba naman ay nakaupo sa damuhan at doon kumakain.

"Kain muna tayo?" tanong ni Harvey sa amin.

Agad kaming sumang-ayon ni Austine dahil nakakaramdam na din ako ng gutom. Hindi na kasi ako nakakain ng umagahan kanina dahil nag mamadali si Logan sa sobrang pagka-excited.

Nag libot libot kami at tinignan isa isa ang mga booths. Sa huli, ang napili namin ay isang booth na may tindang popcorn, fries, corndogs, may mga inihaw tulad ng barbecue at mga rice meals. May inumin din tulad ng lemonade, kape at milktea.

"Grade 9 at grade 10 pala nag bebenta ngayon." sabi ko ng mamukaan ang isa sa mga grade 10 student na nag bebenta sa amin.

Dahil kanina ko pa nakikita sa ibang estudyante ang corndog at mukhang masarap, yun ang inorder naming tatlo. Cheddar flavor ang sa akin, Original ang kay Harvey at potato corndog ang kay Austine. Umorder din kami ng tig iisang milktea at isang malaking fries para hati hati nalang kami.

"Bali 487 po lahat ate." nakangiting inabot sa akin ng lalaking estudyante ang paperbag na pinaglalagyan ng order namin at ang resibo.

Dahil ayaw pumayag ng dalawa na libre ko, nag ambagan kami. Hinati namin sa tatlo ang babayaran at tsaka ko yon ibinigay sa estudyante.

"Salamat po!" masaya nitong ani.

"Thank you." Binuhat ko ang paperbag tsaka kami nag lakad tatlo papunta sa damuhan. Pinili namin ang pwesto sa may bandang ilalim ng puno para walang init.

Pagkaupo namin, inilabas ko ang mga pagkain at ibinigay sa dalawa ang pagkain nila. Nag simula kaming kumain at mag kwentuhan.

"How's your practice?" Tanong ni Harvey sa akin na panay ang subo ng french fries.

"I'ts fine. Sobrang bait talaga ni Ms. Rana tsaka talagang tinutulungan niya ako. Kinakahaban lang talaga ako para sa isang araw." Sagot ko. Dalawang araw nalang kasi at lalaban na ako sa contest. Nasa pang apat na araw na kasi yon ng fun week. Bukas st mga booths padin, sa pangatlong araw ay talent day pero para sa elementary tapos sa pang apat ang talent day para sa amin.

"Kayo? Kamusta practice?" kumagat ako sa corndog ko. Pang huling araw kasi ang laban nitong dalawa sa kaniya kaniyang sports.

"It's ok. Kabado pero kaya." Sagot ni Austine.

"Ayos lang din. May practice kami ulit sa mga susunod na araw. Ngayon lang talaga libre." Si Harvey.

Kahit ako din naman kasi ay may practice na sa mga susunod na araw. Pinagbigyan lang talaga kami nitong unang araw.

Matapos kumain, Niligpit namin ang mga pinagkainan at itinapon bago muling mag ikot. Pumunta naman kami sa mga booths na may palaro. Una ang booth ng ringtoss. May mga bote sa gitna at may ibibigay sila sayong ring na kailangan mong ishoot doon sa mga bote. May malaki kasi silang teddy bear doon na parang yung mga napapanalunan talaga sa carnivals. Yun ang target kong makuha.

Between My Two BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon