Chapter 12

5.5K 95 12
                                    



Chapter 12
Court

Alas dose ng tanghali at nakahiga padin ako sa kama. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa sinabi ni Harvey. I know he's drunk pero...

"Layla?" natigil ako sa pag iisip at naupo mula sa pagkakahiga ng tawagin ako Ate Apple. Nakabihis silang tatlo nila Ate Farah at Hayley dahil lalabas sila. Niyayaya nga nila ako pero wala talaga ako sa mood. Hindi parin maproseso ng utak ko yung sinabi ni Harvey kagabi.

"Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong niya at naupo sa tabi ko sa kama.

"Hindi na po ate. Medjo masama din po pakiramdam ko." pag papalusot ko kahit talaga tinatamad lang ako.

"Huh? Ayos ka lang ba?" hinawakan niya ang leeg ko na hindi naman mainit.

"Opo ate. Masakit lang po yung ulo ko. Baka po sa pagod lang sa pag iikot kahapon." Tumango siya at hinayaan na ako sa kama. Nang makapag ayos silang tatlo, nag paalam na sila at tsaka lumabas. Naiwan akong mag isa sa kwarto. Humiga lang ulit ako at natulog dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom.


Nagising ako ng dahil sa katok sa pintuan ng hotel room namin. Naupo ako at sinuot ang tsinelas bago nag lakad papunta sa pintuan. Sinilip ko sa peep hole kung sino iyon. Si Austine. Binuksan ko ang pinto at binati siya.

"Hey." halata sa boses ko ang pagka-antok dahil kakagising ko lang.

"Hi! Sorry did i wake you up?" Aniya.

"No, It's ok. Napahaba din yung tulog ko." nilakihan ko ang bukas ng pintuan para papasukin siya. Sinarado ko ang pinto at sabay kaming nag lakad papunta sa may lamesa. May dala dala kasi itong paper bag na may lamang pagkain.

"Hindi ka pa kumakaing lunch? Tumawag si Ate Farah kanina masama daw pakiramdam mo." tanong niya habang inilalabas ang dalwang ramen mula sa paper bag. Bigla akong nagutom.

"No. Nakatulog kasi ako pag alis nila Ate and i'm fine, Sumakit lang yung ulo ko." pumunta ako sa ref para ikuha kami ng tig isang bottled water tsaka kami naupo sa lamesa.

Tinangalan niya ng takip ang ramen bago ilagay sa harapan ko. Natakam agad ako sa amoy non at umuusok usok pa sa init. Sabay kaming kumain at parang gutom na gutom nadin siya.

"Hindi ka din kumain?" tanong ko at humigop ng mainit na sabaw. Umiling iling siya at nginuya muna ang sinubo bago ako sagutin.

"Hindi. Late narin ako nagising." aniya. Tsaka ko naalala ang nangyari kagabi. Tinitigan ko ang pisnge niya. Hindi gaanong nag marka ang pasa niya at hindi mo ito mapapansin kung hindi tititigan.

"Anong nangyari kagabi?" natigilan siya sa tanong ko. Hindi siya tumingin sa akin at tinuloy lang ang pagkain.

"Austi-"

"Nothing. Nalasing lang. Nagkaasaran. Nagkapikunan kaya ayun. Wala yon." sagot niya ngunit hindi parin magawang sumulyap man lang sa akin. May problema sila.

"Austine come on. Hindi lang isang dekada na tayong magkakaibigan. Ni minsan hindi kayo nagkasakitan ng pisikal. Oo nag tatampuhan o nagkakapikunan tayo minsan pero never nangyari to. Imposibleng dahil lang sa asaran yun. Ano ba kasi talaga nang-" sinubuan niya ako ng tinapay para patigilin ako sa pagsasalita. Wala akong nagawa kung hindi nguyain iyon.

"It's really nothing, Don't worry about it. May balak ka bang gawin after this?" pag babago niya ng usapan. Napabuntong hininga nalang ako at umiling. Balak kong buong araw nalang mag pahinga dito sa hotel.

"Great. Let's watch movies?" aya niya.

"Sure."

Pagkatapos naming kumain, Ako ang nag ligpit ng pinagkainan namin at siya naman ang nag ayos ng papanoodan namin. Pag pasok kasi ng hotel room ay may pintuan sa kaliwa, iyon ang banyo. Pag dumaretsyo ka pa ay makikita mo ang dalwang makitang king size bed kung saan kami natutulog nila Ate at Hayley. Katapat non ang 65 inches na tv. Pag daretsyo pa ay makikita ang maliit na dinning area na pang apatan lang at katapat naman non ang sofa.

Between My Two BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon