Chapter 14

5.5K 95 24
                                    



Chapter 14
Ligaw

Ala una na ng umaga pero hindi parin ako makatulog. Paikot ikot ako sa kama at pilit na pinapatulog ang sarili pero ayaw talaga ako patulugin ng isipin ko. Should i tell them now? Paano ko sasabihin?

It's friday night at ginawa ko na kanina lahat ng mga assignments and project namin para wala na akong gagawin ngayong weekend. Kanina, sabay paring nag memessage ang dalawa at kung ano anong tinatanong. Kung tapos na ba ako sa project, Sa assignments or kung kailangan ko daw ng tulong kaya ito, ala una na ng umaga pero hindi parin ako makatulog.

Alam ko at tanggap ko narin naman talaga sa sarili ko na payag akong mag paligaw sakanilang dalawa. Ang hindi ko malaman ay kung paano sasabihin sakanila. Pakiramdam ko ay hindi ko iyon kayang sabihin ng harapan harapan dahil mahihiya lang ako. Should i just message them?

Fine! I'll just tell them kung iyon ang makakapagpatahimik sa akin.

Inalis ko ang pagkakabalot ang kumot sa akin at umupo. Pinindot ko ang lamp shade sa side table at kinuha rin ang telepono doon.

What should i say? Paano ko sasabihin?

Sumandal ako sa headboard ng kama at tinitigan ang pangalan ng dalawa sa contacts ko. Pareho ang huling text nila na nag gogoodnight sa akin.

Pinindot ko ang pangalan ni Harvey dahil siya ang nasa pinakaunahan at huling nag text sa akin. Bumuntong hininga ako tsaka sinimulang mag type.

To: Harvey

Hey, I thought about your question. Pinapayagan kitang manligaw.

Pikit mata kong sinend ang message at agad pinindot ang pangalan ni Austine.

To: Austine

Hey, Napagisipan ko na yung tanong mo. Pumapagay na akong mag paligaw.

Mabilis kong pinatay ang telepono ko at ibinalik iyon sa side table. Pinatay ko ang lamp shade at dali daling bumalik sa pagkakabalot sa kumot. There. I finally said it. Makakatulog na ako ng mahimbing.



"Ate! Ate gumising ka na." Nagising ako sa ingay ni Logan at walang tigil na pag yugyog sa balikat ko.

"Ate! Kanina ka pa nila inaantay." Inis ko siyang siniko at nagtalakbong ng kumot.

"Logan ang aga aga. It's weekend." antok kong sabi. Tumigil naman siya sa pag gising sa akin at naramdaman ko ang pag tayo niya sa kama. Akala ko ay tuluyan na siyang aalis pero...

"LOGAN!" napasigaw ako ng hilahin niya ang dalawa kong paa dahilan para mapauspd ako sa may bandang dulo ng kama. Wala akong choice kung hindi umupo at binigyan siya ng masamang tingin.

"Ano bang kailangan mo? Kung kailan walang pasok tsaka ang aga aga mong gumising nang dadamay ka pa eh sa gusto ko pang matulo-"

"Nasa baba sina Kuya Harvey at Kuya Austine inaantay ka. Nanliligaw daw sila pareho sayo kaya bumaba ka na bago pa sila mabugbog ni Papa." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Did i heard him right? Nandyan ang dalawa at sinabi nilang nanliligaw sila sa akin.

"W-What?" hindi makapaniwalang sabi ko at tinitigan si Logan para tignan kung nag sisinungaling ito pero nagkibitbalikat lang siya sa akin tsaka lumabas ng kwarto.

Shit. Nandyan nga sila.

Dali dali akong tumayo ng kama at hindi na nag abalang ayusin iyon. Dumaretsyo ako sa banyo at mabilis na naligo. Ito na ata ang pinakamabilis na pag ligo kong nagawa sa tanan ng buhay ko. Pag labas ay kumuha lang ako ng pares ng damit sa kabinet at sinuklay ang buhok kahit tumutulo pa sa basa.

Between My Two BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon