Chapter 15

6.3K 96 8
                                    



Chapter 15
Date with Austine

"Where do you wanna go?" tanong ni Austine nag minamaneho ang kotse niya papalabas ng gate ng bahay namin. Hindi na ako nakapag paalam kila Mama dahil kinakatok ko sila ngunit walang sumasagot. Baka nakatulog ulit kaya kay Logan nalamang ako nag paalam.

"I don't know. Saan mo ba ako dadalhin?" kinuha ko ang seat belt at isinuot iyon.

"You decide. I'll bring you wherever you like."

Saan nga ba maganda pumunta? Movies are kinda boring dahil wala naman masyadong bagong maganda palabas ngayon. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang nag iisip ng biglang kumulo ang tyan ko. Napatingin ako kay Austine para tignan kung narinig niya ba iyon. Mukhang hindi naman.

"I think i want to eat." sabi ko.

"Sure. Should we go restaurant hopping?"

Restaurant hopping? That sounds good to me. Lalo na at pareho kaming matakaw.

"I like that. Let's go restaurant hopping." sabi ko ng may ngiti sa labi. "Let's find a restaurant with good breakfast menu. Gutom na ako." narinig ko nanamang kumulo ang tyan ko.

"Restaurant hopping it is." Aniya tsaka nag drive papunta sa isang restaurant na may masarap na breakfast menu.




Namangha ako pag pasok namin ng restaurant na napili ni Austine dahil umaga pala ang dami na agad tao. Halos mapuno na agad ang loob noon.

"Good morning Maam, Sir. Table for two po?" Salubong isang babaeng waitress na nakangiti sa amin.

"Yes please. Kung merong available doon sa garden side." Ani ni Austine. Garden side? Iginala ko ang tingin sa restaurant, May glass door pala sa may bandang likod na papunta sa sinasabi niyang garden. Mas masarap nga namang kumain pag outdoor lalo na at hindi naman mainit pa ngayon.

"Follow me po." sabi ng waitress at iginaya kami papunta sa garden. Mas lalo akong namangha ng makitang napakaganda ng garden na iyon. Puno ng bulaklak at iba't ibang halaman. Malamig ang simoy ng hangin at maganda ang tanawin.

"Here's your table po and the menu." inilapag ng babae ang menu sa table bago mag paalam na babalik daw siya maya maya para makapili muna kami ng kakainin.

"Sit here" Hindi ko mapigilang manginit ang pisnge ng ipaghila ako ng upuan ni Austine. Nag pasalamat ako sakaniya bago umupo doon.

Nang igala ko ang tingin sa mga taong kumakain sa garden, Tsaka ko lang napansing halis lahat pala ng nandito ay puro mag jojowa. Ang mga lamesa kasi dito sa garden ay 2 hanggang 4 na tao lang ang kasya at sa loob naman ang maramihan.

"Order anything you like. It's on me." inabot sa akin ni Austine ang menu. Tinignan ko iyon at hinanap ang breakfast menu.

Ano kayang makain? Should i eat rice? Waffle? Sandwich? Pasta? Gusto kong tikaman lahat!

"I don't know what to eat. I want to eat rice pero parang ang sarap din nung waffles nila...Tsaka nung sandwich...at pasta." sabay kaming napatawa ni Austine sa sinabi ko. Matakaw na kung matakaw eh sa natatakam ako eh.

"Kung gusto mo lahat yon then order it." Aniya. Umiling naman ako ng maalala kong we're doing a restaurant hopping. Buong araw kaming mag iikot at kakain sa iba't ibang restaurant kaya hindi pwede mabusog agad. Maya maya ay bumalik na ang waitress para tanungin ang order namin.

"I'll have one egg and ham sandwich with hot americano." Naunang umorder si Austine.

"Sainyo po Maam?" tanong nung babae sa akin.

"I'll get one waffle with bacon, extre syrup please and iced caramel macchiato." order ko.

"Ok po. Your order will be served within 10 to 15 minutes." kinuha niya ang menu bago umalis.

Between My Two BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon