Chapter 9

6.5K 140 4
                                    


Chapter 9
Fun week 3

Maaga ulit kaming pumasok ng eskwelahan dahil ngayon na ang huling araw ng fun week at ngayon din ang laban nila Austine at Harvey. Hanggang ngayon hindi ko padin alam kung anong oras ang labas nila at hindi ko padin sila nakikita mula ng pagdating ko dito sa school. Nag chat ako sa group chat namin pero walang sumasagot. Siguradong busy ang dalawa.

"Layla!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Sina Ate Farah at Ate Apple. Kasama din nila ang nakababata nilang kapatid na si Agustine.

"Hi ates! Hi Agustine. Buti nakapunta kayo ngayon." bati ko sa mga ito at tsaka bumeso.

"Eh paano ba naman, Araw araw pinapaalala sa amin ni Austine to kaya hindi talaga namin makakalimutan. Buti nalang at wala din kaming gagawin ngayong araw." sagot ni Ate Apple.

"Nasan ba sila? Nakita niyo ba yung dalawa, ates? Hindi rin kasi sumasagot sa text ko, tinatanong ko kung anong oras ang laban nila."

"Naunang pumunta dito sa Austine. Napakaagang umalis pero ang sabi niya ay ala una daw ang laro niya."

Tumango tango ako. Si Harvey kaya anong oras ang laro? Sa tingin ko naman ay hindi magkasabay ang laro nilang dalawa kasi noong mga nakalipas na taon ala una ang laro ni Austine tapos alas tres pa ang kay Harvey.

"Kumain ka na ba ng lunch?" Tanong ni Ate Farah. Napatingin ako sa relo na nasa pulsuhan ko. 11 na din pala.

"Not yet ate."

"Tara? Kakain muna kami ng lunch bago manood eh. Sama ka na samin." Si Ate Apple na sinegundahan din nila Ate Farah at Agustine.

"Sige po. Hahanapin ko lang si Logan." Sabi ko tsaka nag paalam na aalis. Ang sabi kasi ni Logan ay pupunta lang daw siya sa classroom nila at dahil malapit lapit lang ako doon, pinuntahan ko siya.

Napakadaming tao ngayon dito sa eskwelahan. Kumpleto lahat ng estudyante, yung ibang magulang at meron pang mga eatudyante galing sa ibang eskwelahan.

Pag dating sa classroom nila Logan, sumilip ako at agad siyang hinanap. Hindi naman ako nahirapan dahil nakaupo ito sa armchair ng isa upuan at may kausap na babae. Kita kong panay ang kwento nito habang ang babae naman ay titig na titig lang at nakikinig.

Sino naman yon?

"Logan." tawag ko. Napalingon siya sa akin pati narin ang iba niyang kaklase. May iba ding bumati sa akin, sinagot ko lamang sila ng ngiti. Tumayo ang kapatid ko at agad nag lakad papalapit sa akin.

"Bakit ate?"

"Nag lunch ka na ba? Tara, nag aaya sila Ate Farah, Ate Apple tsaka kasama si Agustine." aya ko dito.

"Yon! Sakto gutom na ko. Kunin ko lang gamit ko ate." Nag lakad siya pabalik sa inuupuan kanina. Kinuha niya ang backpack at nag paalam sa kausap nitong babae kanina bago sumunod sa akin papalabas.

"Sino naman yon?" pag tukoy ko sa babaeng kausap niya.

"Huh? Alin?" Taka nitong tanong habang umiiwas sa mga nakakasalubong na tao. Halos mag siksikan na kasi sa dami ng pumunta.

"Yung babaeng kausap mo. Girlfriend mo yon noh. Nako sinasabi ko sayo ah, bata ka pa." bata bata pa eh. balak pa ata akong unahan.

"Girlfriend agad? Ito masyado maissue." angil niya. "Kaibigan ko lang yun noh. Transferee yon si Yuka tapos walang nakikipag usap sakaniya kaya ako nalang kumausap. Mukhang mabait naman." tinignan ko siyang maigi at inaral ang ekspresyon. Naniniwala na ako. Kaibigan nga lang niya iyon. Iba padin talaga ang ekspresyon sa mata niya pag si Hayley ang pinaguusapan.

Between My Two BestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon