Prolouge

88 1 0
                                    

Sakay ang taxi ay hindi na ako mapakali sa loob. Para akong naiinitan dahil sa pawis na pumapatak sa noo ko. Kinakabahan at natatakot akong madatnan kung anuman ang pupuntahan ko ngayon.

Mahal ko siya... At siya lang ang mamahalin ko kahit na sa aming dalawa ay ako ang mas higit na may kasalanan. Hindi ako pinapatahimik ng konsensiya ko.

Kinuha ko ang telepono sa maliit kong bag ng tumunog ito at ng makita kung sino ang tumatawag ay sigurado akong pinapahanap na niya ako ngayon dahil lumayas lang ako. Gusto ko na munang lumayo sa kanila, parang nasasakal ako sa nakaraan kong hanggang ngayon ay hindi ko pa ma solve ang mga nangyayari noon. Pero isa lang ang alam ko ngayon, ayaw kong iwan niya ako. Ayoko siyang mawala.

"Keep the change, Kuya."  Dali-daling sabi ko dito at lakad-takbo ang ginawa ko mapuntahan lang siya ngunit nasa parking lot pa lang ako ay nakita ko siya kasama ang kaibigan niya.

Tinapik siya nito sa balikat bago umalis at naiwan siyang tulalang mag-isa. Ng makaalis ang kaibigan niya ay kaagad ko siyang linapitan ngunit natigil ako ng umatras siya.

Ng tingnan niya ako ay hindi na tulad ng mga tingin niyang puno ng pag-aalala kapag nakita akong luhaan at puno ng pagmamahal. Dahil ang mga matang nakikita ko sa kanya ngayon ay puno ng galit at pandidiri.

"Z-zeke... Lov-"

"Stop calling me with that fvcking endearment." Seryosong sabi nito na para bang may hindi siya matanggap-tanggap.

"I-im sorry..." Napayuko ako kasunod ng sunod-sunod kong paghagulgol.

"Pinaglaban kita mula sa pamilya ko. Sinunod ko ang gusto ng puso ko at ikaw yun, ang piliin ka. Pero hindi ko alam na ang pagsunod at pagpili pala sa'yo ay ang magbabalik sa'kin sa panahong nawala ang dalawang importanteng tao sa buhay ko kung saan naubos at walang-wala ako. Bumalik ka nga, pero ang dala mo naman ay gulo at sakit lang."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, at para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga masasakit na salitang sinabi niya. Mga salitang puno ng pagsisisi.

"Now tell me... How can I love you, Pat? How can I love the girl-" Hindi niya matapos ang sasabihin niya ng mapahikbi siya sa harap ko.

Hindi ako makapagsalita. Bumuka ang bibig ko pero walang gustong lumabas na mga salita.

"Pat... Why does I have this feeling that I regret loving you? The girl-"

Tuluyan ng bumagsak ang buo kong pagkatao sa sinabi niya. Ng iangat ko ang tingin ko, nagtama ang mga mata naming parehong nasasaktan ngunit may bahid at pagsisisi sa kanyang mga mata at hindi ko siya masisisi kung yun ang mararamdaman niya.

"We've been together in a past few days and I waited, Pat... I am waiting you to tell me everything. But you didn't."

"G-give me a few days and I'll clear it up-"

"No... I know everything... You-you are- fvck!" Hinagis niya ang mga hawak niyang papel tsaka siya napaupo sa gilid ng gulong ng sasakyan niya habang nakatukod ang dalawang kamay sa tuhod niya at nakayuko.

"Pumunta ako dito para pigilan kang iwan ako at ilayo ka sa kaibigan mo pero huli na ako... Now-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng mapahikbi ako. "Now, I want you to forget me, Zeke... Forgot all the love and sweetness we had and u-unlove me... I k-know, that I don't deserve you and there's someone who deserve you the most. I'm so so sorry..." Napaluhod na ako sa harap niya hanggang sa tumayo siya na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Pero huminto din siya at nagsalita.

Ngunit ang mga sinabi niya ang mas nagpaguho sa'kin. Hindi ko matanggap. Nararapat lang sa'kin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nararapat lang na gawin niya yun at nararapat lang na matanggap ko ang mga salitang yun galing sa taong mahal na mahal ko

Napahagulgol ako habang nakaluhod at sinisisi ang sarili sa mga nagawa.

"Remembering you was all worth it but meeting and  knowing me again, was all fvcking hurt."

Remembering You (Lunaiah Boys Series 3)Where stories live. Discover now