Chapter 9

51 1 0
                                    

NASA balkonahe ng kanyang opisina si Zeke habang hawak sa kanang kamay ang isang baso ng alak at nasa bulsa naman ang isa niyang kamay habang malalim ang iniisip hanggang sa tumunog ang kanyang telepono.

"Zeke..." Pagtawag ng kaibigan niyang nasa kabilang linya na si Shawn.

"Speak moron."

"Zeke kaibigan kita at alam mo yun. Gago ka lang kung hindi mo yun alam. Pinagawa mo na sa'kin 'to diba? Pero tinigil mo,kasi ayaw mong malaman ang katotohanan. Pero ngayong alam mo na kung nasaan siya,binalik mo na naman. Alam mo bang nag aaksaya ka lang ng pera? "

"I will spent billions of money just to know the truth,moron. At kung ang babaeng ito ang paggagastusan ko,why not? Still now,i can't forget her. I want to fvcking know the truth. Kaya madaliin mo yan. Gusto kong patunayan sa kanila na wala siyang kasalanan. Gusto kong ipagsigawan sa kanilang lahat na walang kasalanan ang babaeng mahal ko." Seryosong pagkausap niya sa kaibigan niyang nasa kabilang linya.

"Paano kung totoo yun-"

"Just fvcking do your job,Mendez." Pagpuputol niya sa kaibigan dahil ayaw niyang madinig ang iba pang sasabihin nito.

"Hindi ko makakaya ng isang linggo lang Guerrero. Kailangan kong makumpirma muna ng tama ang mga gagawin ko. At hindi lang ito ang ginagawa ko sa buhay,may anak din ako na pinapadede kaya wag mokong madaliin."

"Baog ka,kailan ka pa magkakaanak?"

"Fvck you."

"Tss. Kailan ba?"

"Two weeks and a half."

"Geh." Sabi niya tsaka niya pinutol ang linya.

Pero panibagong tawag na naman ang dumating sa kanya.

"Son..."

"Dad."

"Do you find her?"

Humigpit ang hawak ni Zeke sa hawak niyang baso kasabay ng pag-igting ng kanyang panga.

"No..."

"Find her as soon as possible." Matigas na sabi ng kanyang ama tsaka nito pinutol ang linya.

Inubos niya ang laman ng kanyang baso at tumingin sa malayo.

Mahal niya ang babae,ngunit hindi niya alam kung makakaya niya pa bang mahalin ito kapag nalaman na niya ang totoo.

Pero malakas ang kutob niyang walang kasalanan ang mahal niya. Pinatigil niya ang pagpapa embistiga dito noon dahil alam niyang hindi gagawa ng kasalanan ang taong minahal niya,higit pa sa buhay niya.

May dalawang linggo na lamang ang natitira bago niya malalaman ang totoo at sa loob ng dalawang linggong iyon,tutulungan niya ang kanyang mahal na makaalalang muli at ito mismo ang magsabi ng katotohanan sa kanya na wala itong kasalanan. Ibabalik niya ang nakaraan.

Siya ang gagamot sa kanyang mahal. Gagawin niya ang lahat bumalik lang ang mga alaala nitong nawala at maalala siya. At muli niya ditong maramdaman ang pagmamahal galing sa babae.

'Nagpabilog ka! She just used you for fvcking sake!'

Muling pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang ama noon sa kanya.

Remembering You (Lunaiah Boys Series 3)Where stories live. Discover now