NASA locker na ako habang naglalagay ng mga gamit ko na nagmamadali dahil may aabangan pa ako ng biglang dumating si boss.
"Balita ko may nasapak ka kanina." Sabi niya na siyang kinabahan ako dahil baka matanggal ako. Hinarap ko si boss na parang nabasang sisiw
"Ayos lang po na tanggalin niyo na ako dun. Kasalanan ko din naman po-"
"Gaga sinong may sabing tatanggalin kita? Pumunta ako dito para ibigay na sayo tong paunang sweldo mo." Inangat ko ang tingin kay boss ng may ilahad siya sakin na pera.
"B-boss." Hindi mkaapaniwalang saad ko.
"May hati din dito ang mga kaibigan ko na naging customer mo kanina. Ngayon lang daw sila nakakita ng tulad mong babae na nanghahamon. Kaya pasalamat ka."
"A-ano?"
Ngumiti lang siya tsaka niya kinuha ang kamay ko at nakangiting nilagay dun ang pera na nakangiti bago siya umalis at iniwan akong nakatunganga.
Shit. Ang yayaman nga nila,hindi ako nakakalahati.
Nilagay ko na sa bag ang malaking pera na hawak ko bago ko inayos ang sarili ko at lumabas na. Pero ng makadating na ako sa labas ng pinto ay huminto ako at mag aabang na dun sa babaeng hinamon ko kanina.
Inabot ng dakawang minuto ang paghihintay ko bago ako makadinig ng mga tawanan ng mga babaeng nakakarindi sa tenga ang mga boses.
Hindi pa nakalabas ang ulo sa pinto ng babaeng pinakahihintay ko ay dumapo na ang kamao ko na nagpagulat sa mga kasama niya.
"Swerte mo at yan lang ang inabot mo. Kulang pa yan sa mga ginawa mo sakin noon. Hindi pa to ang huli." Sabi ko sakanya habang nagpupunas siya ng umagos na dugo sa labi niya at inirapan ko ang mga kasama niya
Dalawang araw akong hindi nakapasok dahil sa ginawa niya sakin noon dahil nagkasakit ako. Kulang na lang ay patayin niya ako noon dahil sa paulit-ulit niya akong sinasampal habang wala akong magawa dahil nakatali ang mga kamay ko. Nagseselos ang anak ng peste dahil sipsip daw ako kay Ella na kung saan ay ang boss namin.
Tumalikod na ako at pumunta na sa gilid ng kalye para mag abang ng masasakayan.
Ng may huminto sa harapan kong isang mamahalin na sasakyan. Isiwwanalang bahala ko yung dahil hindi lang naman ako ang naghihintay dito. Akala ko may ibang sasakya sakanya ng biglang bumukas ang pinto at saktong nasa harap ako,kulang na lang ay sumakay na'ko. Kinabahan ako sa pagbukas ng pinto na nasa harapan ko pero mas kinabahan ako ng makita kung sino ang lalaki g nasa loob at nasa harapan ng manobela. Hindi man siya nakatingin sakin ay kilalang kilala ko naman. Walang iba kundi ang doktor sa magkakabarkada ni boss.
"Get in." Gulat at malakas ang tibok ng puso ko lalo na at nadinig ko ang boses niya. Ang lamig ng boses niya na aakalain mong may galit sakin.
Lumingon ako sa magkabilang kilid ko pati na din sa likod dahil baka masyado na akong assuming para isipin na ako ang papasakayin niya.
"Fuck. I said get in." Sabi na naman niya na mas kinagulo na ng utak ko.
Ako ba ang sinabihan niya nun? Kung ako bakit naman? Assumera na naman ako.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil ayokong mag assume na ako.
"I said just fucking get in my fucking car-" hindi ko na siya pinatapos ng dali-dali akong sumakay ng tumingin siya sakin at may mga matang parang naiinis na.
Napahawak ako sa seatbelt na hindi ko nasuot dahil bigla na lamang niyang pinaandar ang sasakyan na napakabilis. At para akong tinakasan ng kaluluwa sa ginawa niya.
YOU ARE READING
Remembering You (Lunaiah Boys Series 3)
RomanceNagkasakit siya at madaming naghihintay sa kanya para malaman ang katotohanan... Posible pa kayang magamot ang puso niyang wasak-ayy este ang sakit niya? Yes,he is a doctor. Pero paano kung ang taong maggagamot sa kanya ay ang taong sasaktan niya?