Nasasaktan ako... Nasasaktan ako para sa kaibigan ko. Mas pinili ko ang sundin ang sinabi ni nanay na itago ang kanyang sakit kaysa ang sabihin ang totoo kay Este. Alam ko kung gaano kamahal ng mag ina ang isa't-isa na umabot na sa puntong minsan ko ng hiniling na sana si Este ay naging ako. May ina siya na nadiyan lagi sa tabi niya at handang gawin ang lahat wag lang mag alala ang anak.
Ang pagmamahal ng isang magulang na kailanman ay pakiramdam ko ay hindi ko naranasan sa nakaraan ako. Pakiramdam ko mag isa ko lamang na nilalabanan ang mga sakit na nararamdaman ko noon. Sana kahit ala-ala lamang ng taong dumamay sakin.
Bwesit na ex yun,yun pa talaga ang pwede kong maalala. E wala naman na akong pakialam dun. Baka pag nalaman ko na kung ano ang mukha ng gagong yun baka masapak ko lang. Hayst. Pero minahal ko nga ba yung lalaking yun? Sasagutin ko ba kung hindi ko mahal? O baka maharot lang ako noon.
Kung pwede lang na biyakin itong ulo ko para lamang bumalik ang mga alaalang nawala sakin,gagawin ko mabalik lang ang lahat. Gusto kong makaalala kahit na ang kapalit nun ay ang mga masasakit na alaala.
Sa lahat ng pwede kong maalala bakit yung mga alaala pang walang kwenta. Mga alaalang pinapakita na wala akong kwentang anak.
' "Nakakapagod ng intindihin ka..." Saad ng lalaking hindi ko maalala ang mukha. Pero ramdam ko kung gaano ang sakit na nararamdaman niya habang sinasambit niya ang mga ganung salita.
"B-baby..." Naiiyak na sambit ko.
"Hindi ko kayang magmahal ng babaeng may kasalanan kung bakit may isang importanteng tao ang nawala sakin." Yung sakit sa boses niya,ramdam ko na mas pinagsisisihan ko.
"M-mas importante ba ang taong yun kaysa sakin?"
"Yes of course." '
Nagising ako kinaumagahan na walang nagbabago. Hinihingal na aakalain mong tumakbo ng ilang milya para lamang manalo. Pinagpapawisan na aakalain mong init na init ang panahon. Tanging isa lamang ang nagbago... Sumasakit ang puso ko dahil sa panaginip ko.
Sa una wala akong pakealam sa ex ko. Pero habang tumatagal,may napagtatanto ako... Hindi ako sigurado kung ex ko nga ba yun. Dahil nagising na lang ako na tinawag ko ang lalaking nasa panaginip ko na ex. Pero sa panaginip ko ngayon,hindi ko alam kung may namamagitan samin. Naguguluhan na'ko.
Hindi ko na alam kung ano ang tunay kong nararamdaman. Klase-klase na lamang ang panaginip ko. Bawat panaginip,may katumbas na sakit at kaguluhan.
Nasasaktan ako dahil sa may bago akong nalaman tungkol sa sarili ko. Pakiramdam ko may problema sa dating ako. Hindi ko gusto ang dating ako. Parang gusto ko na tuloy na wag bumalik sa nakaraan o sa dati.
Bumangon ako at pinunasan ang mukha at katawan ko dahil sa basang pawis.
Kinuha ko ang telepono ko ng tumunog ito.
"Pingkay?"
"One more pingkay Este. I'll fucking punch you-"
YOU ARE READING
Remembering You (Lunaiah Boys Series 3)
RomanceNagkasakit siya at madaming naghihintay sa kanya para malaman ang katotohanan... Posible pa kayang magamot ang puso niyang wasak-ayy este ang sakit niya? Yes,he is a doctor. Pero paano kung ang taong maggagamot sa kanya ay ang taong sasaktan niya?